Ang Tao Bilang Kawangis at Kalarawan ng Diyos
Panimula: Sa ating aralin o paksa ating matutuklasan o malalaman ang paglikha Sa tao ng Diyos Ama. Kung paano tayo pinahalagahan ng Diyos Ama kung paano tayo itinatas ng Diyos kumpara sa ibang nilikha ng Diyos
LAYUNIN:
Aral: Malaman na ang tao ay nilikhang kalarawan ng Diyos.
Asal: Mapanatili ang pagmamahal, paggalang sa saril at sa kapwa
Dasal: Nagpapasalamat sa Diyos sa mga talino at kakayahang ibinigay pa kanila.
BALIK-ARAL: Paksa ang paglikha sa mundo (larawan ng mga nilikha ng Diyos). Tunay na kahanga ang mga nilikha ng Diyos napakaganda, napakabuti, nagbibigay-sigla liwanag ng ating kapaligiran. Lalo na kung ito) papahalagahan, alagaan sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa ating kalikasan. Tandaan natin nang ito'y gawin o likhain ng Diyos, siya nasiyahan dahil maganda, malinis, maayosl kaya nararapat na ito'y ating mas pag-ingatan. Kaya ba natin mahalin at igalang ang mga kahanga-hanga na galing sa Diyos.
PAGBASA: Genesis 1:26-28
26 Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.” 27 Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae, 28 at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa.
PAHAYAG KRISTIYANO:
Nilikha ng Diyos ang tao na kawangis at kalarawan. May kakayahang mag-isip, kung ano ba ang mabuti o masama, alam ang tama at mali. May kakayahang magmahal, may damdamin na parang "Tulad ng Diyos na mapagkalinga".t May kakayahang gumawa, piliin ang mabuti at magmahal tayo ay ang obra maestra ng Diyos. Kaya tayong lahat ay biyaya mula sa Diyos at mahalaga sa kanya, dahil tayo ay Kanyang kalarawan, kawangis, katangi-tanging nilikha niya. Kaya naman nagagawa natin ang mga bagay na pangkaraniwan ngunit mahalaga tulad ng paglalaro, pag- aaral, paglilinis sa ating katawan, pagkain at iba pa. At higit sa lahat, nagagawa nating pahalagahan ang ating sarili at ang ating kapwa.
Sa lahat ng kinapal na nakakikita, tanging ang tao lamang- ang maaaring makilala at ibigin ang lumikha sa kanya; ang bukod tanging nasa lupa na kanyang Minahal; siya lamang ang tinatawag na makibahagi, sa isip at pag-ibig, sa buhay ng Diyos. Dahil dito, siya'y nilalang at ito nga ang batayan ng kanyang karangalan. (KIK 356)
Dahil sa pagkakalikha sa tao na kawangis ng Diyos, ang tao ay nagtataglay ng dangal ng persona- hindi isang bagay kundi isang tao.: may kakayahang makilala ang sarili; mag- ari, makitungong kusa at makiisa sa ibang tao o persona: at dahil sa biyaya ng Diyos makipagkasundo sa lumalang sa kanya, tumugon sa alok ng pananamplataya at magmahal na di kayang gawin ng iba. (KIK 357
Ang natatanging kagandahang loob ng Diyos ay nauuko sa tao, ang tugatog ng kanyang paglikha ipinaliwanag ng ilan kung paano tayo ay "Kalarawan ng Diyos dahil sa ating kakayahang mangat wiran o dahil sa ating kaluluwang espiritwal, o sa ating kakayahang makagawa ng mga kapasyahang moral-ang tao ay nilikha ayon sa wangis kaya siya ay tinawag na kanyang obra maestra. Sa lahat ng nilalang ng Diyos. Ang tao ang pinili niya upang maging kalarawan niya sa karangalan at pag-ibig - kapangyarihan (KPK 344).
Ang tao ay kawangis ng Diyos dahil siya ay may angking kakakayahang makilala at mahalin ang lumikha. Ang tao ay hindi isang bagay, may kakayahang siyang makilala ang sarili niya at buong kalayaang magbigay ng sarili at makipag-ugnay sa Diyos at sa kanyang kapwa (KPK 355- 358).
PANUTO: Gumuhit ng larawan ng iyong sarili sa loob ng isang puso at isulat nang masining na "Mahal ako ng Diyos" o kaya'y sa ibang paraan gaya ng (Love ako ni Lord!)
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Pagmamahal at paggalang sa sarili.
PAGLALAHAT: Kaya a kabuan ng ating aralin, pinaaalam sa atin na ang tao ay nilikhang kawangis at kalarawan ng Diyos. Pinahahalagahan tayo ng Diyos kumpara sa mga nilikha ng Diyos: tayo ay angat, mataas at higit sa lahat, may pangalan tayo. Tayo ay isang "Obra maestra". Inaasahan sa atin ng Diyos na pahalagahan, ingatan, bigyan ng respeto ang ating sarili at ang ating kapwa.