Paglikha ng Mundo
Panimula: Anyayahan ang mga bata na lumabas, At maghawakhawak ng na gumawa ng bilog. Aanyayahan sila na damhin ang init ng araw, damhin ang samyo ng hangin, amuyin kung ang paligid. Patingalain sila upang tingnan ang langit, hayaang silang tumingin sa paligid. Hayaan din silang humawak ng halaman o puno, kung kaya na may manok o pusa sa paligid maari din silang pahawakin nito ng maingat. Papasukin na sila sa loob. At tanungin kung ano ang kanilang nakita, naramdaman at naamoy.
LAYUNIN:
Aral: Malaman na ang paglikha ng mundo ay sa kapangyarihan ng Panginoong Diyos na Dakila
Asal: Mamangha at maging masaya sa lahat ng nilikha at kadakilaan ng Kapangyarihan ng Manlilikha. Dasal: Alagaan ang kapaligiran bilang pasasalamat sa Diyos sa paglikha sa mundo.
BALIK-ARAL: Pinag-aralan natin ang panalangin ng Pagsisisi. At natutunan natin hindi lamang ang Panalangin kundi kung paano kilalanin ang ating pagkakasala at akahingi ng tawad. Magandang alalahanin ang pagsisisi sa nagawang kasalanan at humingi ng tawad sa Diyos.
PAGBASA: Genesis 2:1-3 o John 1:1-3
1 Nilikha nga ng Diyos ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay na naroroon. 2 Tinapos niyang likhain ang lahat ng ito sa loob ng anim na araw, at siya'y nagpahinga sa ikapitong araw. 3 Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinuring itong banal, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat.
John 1:1-3...
Ang Salita ng Buhay
1 Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2 Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita. 3 Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.
PAHAYAG KRISTIYANO:
Sa pasimula pa ay naroon na ang Salita, at kasama ng Divos ang Salita at ang Diyos ang Salita.
Kung babasahin naitng mabuti ang kwento ng paglikha ng mundo. Malalaman natin na sa pasimula pa ang Diyos ay lumilkiha sa pamamagitan lamang ng Kanyang Salita. Ang Kanyang Salita na nagbibigay buhay. Sa nag-uumapaw na kaligayahan at pagmamahal ng Diyos ay nilikha Niya ang mundo. Ito ay dahil sa nag-uumapaw Niyang pag-ibig at kasiyahan. Nais Nyang ibahagi ito. Kaya naman tumingin tayo sa ating paligid upang masilayan ang kabutihan, pagmamahal at kasiyahan ng Diyos.
Ang Turo ng Simbahan sa paglikha ay maliwanag (KPK 327):
Ang Diyos ay lumikha mula sa kanyang banal na kabutihan upang ibahagi ang kanyang kabutihan sa iba, hindi dahil a anuman pangangailangan o kakulangan.
Lumilikha Siya sa pamamagitan ng isang malaya, binalak,may nilalayong pagkilos, hindisa pamamagitan ng kahit anong uri ng likas na pinagmulan o anumang ebolusyon na hindi kumikilala sa kalayaan ng Diyos.
Lumilikha Siya mula sa kawalan na ang ibig sabihin ay hindi mula sa anumang bagay o kaya ay ibang Diyos na umiiral na.
Salungat sa ilang pananaw ng mga relihiyon sa Asya, ang ating pananampalatayang Kristiyano ay nagpapahayag na ang lahat ng nilikha ay tunay (hindi isang ilusyon), natarok ng isip (hindi walang kabuluhan at walang layunin), at mabuti (walang nilikha na tunay na masama). Kaya, maaaring lagumin ang Kristiyanong pananaw na ito sa mga sumusunod (KPK 328):
Bilang bunga ng banal na karunungan, ang paglikha ay natatarok ng isip at may kabuluhan; samakatuwid
Ang kasamaan ay hind i isang pangunahin O mahalagang bahagi ng ating pag-iral; kung kaya.
Ang paglikha ay bukas sa mapanligtas na pagkilos ng DIyos, at
Ang ating kasalukuyang buhay ay mayroomng napapaloob na banal na layunin na maaari nating wariin sa pananampalataya.
Tingnan Ninyo ang Inyong katabi, Siya ay nilikha na Diyos. Nilikha ng Diyos na lalaki at babae, Makisig at Maganda. Pasalamatan natin ang Diyos sa mga tao na nilikha Niva at Mahalin natin sila, huwag pintasan at huwag awayin. Nilikha Nya ang mundo nang maganda at kaaya-aya.
PANUTO:
Awit: "Ang mga ibon...."
Pagguhit: Gumuhit ng paborito ninyong nilikha ng Diyos. At ilagay ""Maraming salamat Panginoong Diyos s lyong mga nilikha'"
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Bilang mga nilikha ng Diyos, paano natin maipapakita at maipapaalam sa Diyos na tayo ay nagmamahal at nagpapasalamat Kanya? Ano ang dapat nating gawin sa kapaligiran? Ano Sa ang gagawin natin sa ating kapwa? Paano natin pananatiliing Maganda at mabango ang kapaligiran?
PAGLALAHAT: Ang pagmamahal ng Diyos ay nag- uumapaw, bilang pagbabahagi ng Kanyang kabutihan, pagmamahal at kasiyahan ay nilikha Niya ang lahat. Bilang mga nilikha ng Panginoon tayong lahat ay katuwang sa pangangalaga at pagmamahal sa kalikasan ng Diyos Hindi man natin maabot ang langit, makikita naman natin ang mga bituwin, ang buwan at ang araw ang lahat ng ito ay mula sa Diyos. Tunay na kamangha-mangha ang mga nilikha ng Panginoong Diyos.