Pagsisisi (Kumpisal)
Panimula: Tulad ng naranasan ninyo sa ating ginawang paglalakad sa tuwid na daan, mahirap na manatili dito, may mga nakaaalis sa guhit, may mga naliligaw, lalo na kung madami tayong dalahin sa buhay. ano ang sinasabi tungkol sa pagkaligaw ng landas at Alamin natin ang kwento mula sa Mabuting Balita kung pagbabalik loob.
LAYUNIN:
Aral: Nauunawaan ang kahalagahan ng katapatan upang matanggap ang mga pagkakamaling nagawa.
Asal: Nagsisikap na makaiwas na makagawa ng kasalanan sa pamamagitan ng pagiging mabuti sa kapwa at matapat sa Diyos.
Dasal: Nakahihingi ng awa sa Diyos na may buong katapatan at pinagsisihan ang mga nagawang kasalanan.
BALIK-ARAL: Sa nakaraan nating pag-aaral ay nalaman natin ang tungkol sa panalangin na Aba Ginoong Maria Bilang mga anak ng Diyos at kapatid ni Hesus tayo ay lumalapit sa ating Mahal na Ina na patuloy na nagmamaha sa atin katulad ng pagmamahal niya sa Anak Niyang si Hesus. Ipagpatuloy natin ang pagdarasal ng Aba Ginoong Maria bilang pagtugon sa pagmamahl niya sa atin. Ating dasalin ang Aba Ginoong Maria ng sabay-sabay.
PAGBASA: Lucas 1:26-38
Ang Dalawang Anak
11 Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao na may dalawang anak na lalaki. 12 Sinabi sa kanya ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At hinati nga ng ama ang kanyang ari-arian.
13 Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili[a] ng bunso ang kanyang bahagi at nagpunta sa malayong lupain. Nilustay niya roon sa mga bisyo ang lahat niyang kayamanan. 14 Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, kaya't siya'y nagsimulang maghirap. 15 Namasukan siya sa isang tagaroon, at siya'y pinagtrabaho nito sa isang babuyan. 16 Sa tindi ng kanyang gutom, at dahil sa wala namang nagbibigay sa kanya ng pagkain, halos kainin na niya ang mga pinagbalatan ng mga bungangkahoy na pinapakain sa mga baboy. 17 Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili, ‘Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako'y namamatay dito sa gutom! 18 Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. 19 Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”’ 20 At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila.
“Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. 21 Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’ 22 Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing at ng sandalyas. 23 Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y kumain at magdiwang. 24 Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila nga'y nagdiwang.
25 “Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan. 26 Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, ‘Bakit? Ano'ng mayroon sa atin?’ 27 ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ sagot ng alila. ‘Ipinapatay po ng inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang buháy at walang sakit.’ 28 Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya ng kanyang ama at pinakiusapan. 29 Ngunit sumagot siya, ‘Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon at kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang maliit na kambing para magkasayahan kami ng aking mga kaibigan. 30 Subalit nang dumating ang anak ninyong ito, na lumustay ng inyong kayamanan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang guya!’ 31 Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. 32 Nararapat lang na tayo'y magsaya at magdiwang, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’”
PAHAYAG KRISTIYANO:
Kapag nananahan ang Diyos sa mga nagmamahal sa Kanya, sila'y Kanyang pinagbabago. "Sa pamamagitan nito, nangako Siya ng mga bagay na mahalaga upang makaiwas kayo sa mapanirang simbuyo ng kahalayang umiiral sa mundong ito, at makahati sa Kanyang kalikasan bilang Diyos" (2 Ped, 1:4). Tunay na pinababanal ng Diyos ang lahat ng Kanyang pinawalang-sala sa pamamagitan ng Pananampalataya, binyag, at buhay ng Espiritu. Subalit may bahid pa din kasalanang naiiwan sa tao maging ang mga napawalang-sala na.
Dapat tanggapin ng Kristiyanong nagpapasalamat sa biyaya ng Diyos na makasalanan siya. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang kanyang mga personal at kinusang kasalanan, at batid niyang napapasidhi nito ang kanyang pagkamakasarili. Dapat makibaka laban sa kasalanan ang Kristiyano bagamat ang biyaya ng Diyos ang nagbibigay-kativakan sa kanyang tagumpay, maliban na lamang kung tanggihan niya ang tulong ng Diyos, hindi ito dahilan hindi na siya magsumikap at magpunyagi sa upang paggawa ng mabuti.
Pagsisisi O taimtim na Pagdadalamhati sa pagkakasala sa Diyos ang pinakamahalagang dapat gawin ng nagsisisi. Kabilang mukha ng pag-ibig ang pagsisisi; ito') isang pag-ibig na tumatanggi sa lahat ng makasisira o nagbabanta rito. Kaya nga nangunguna ang pagsisisi sapagkat dapat laging manguna ang pag-ibig. Dapat lumapit sa Diyos ang makasalanan sa diwa ng pagsisisi. Hindi magkakaroon ng kapatawaran ang kasalanan kung wala tayong pighati, kung hindi tayo nagsisisi sa ating mga kasalanan, di-magtitikang iwasan ang kasalanan, at buong-pusong magbabalik sa Diyos. Kailangang panloob at pangkalooban ang pighati, nanggagaling sa puso at hindi lamang bukangbibig.
Ang kasalanan ay salita, gawa o pag-iisip na nagdudulot ng kalungkutan sa Diyos. Dahil din sa ating nagawang kasalanan nasisira ang ating ugnayan sa kapwa at lalo't higit sa Diyos. Sapagkat sa ating mga hindi magandang gawain, pananalita at pag-iisip ay nakakalimutan natin na maging mabuti sa ating kapwa at sarili lang natin ang ating nabibigyang halaga, at tinatalikuran natin ang Diyos na ating tunay na hantungan (KPK 762). Ito ay labag sa utos at kalooban ng Diyos. Tayo ay mahal na maha ng ating Ama kaya dapat nating sikapin na gumawa ng mabuti. Lagi nating isaisip na ang tamang ugali o asal ay kasiya-siya sa Diyos. Kaya't kung tayo ay nagkasala, lagi tayong magpakumbaba at magbalik loob, upang maibalik ang ating ugnayan sa Diyos.
Tinatawag na 'ganap ang pagsisisi' kung nagmumula sa wagas na pag-ibig sa Diyos ang hangarin ng pamimighati, kung nagdadalamhati ang isang tao sapagkat nasaktan niya ang Diyos na dapat niyang mahalin nang higit sa lahat. Tinatawag na 'di-ganap ang pagsisisi kung nakabatay iyo sa ibang hangarin ng pananampalataya. Sapagkat gawa ng pag-ibig ng Diyos at bunga ng Kanyang biyaya ang pagtawag sa tao upang magsisi, ang isang ganap na pagsisisi ay kaagad na nakapagpapanumbalik sa isang nagkasala nang mabigat sa pagkakaibigan ng Diyos. Kinakailangang isaloob ang pagbabago, maging tapat sa Panginoon, a humakbang sa landasing makapagpapatunay ng kanyang katapatan. An kapatawaran ni Kristoy laging nananawagan ng ganito: "Humayo ka at huwag na muling magkasala" (n. 8:11).
PANUTO: Lagyan ng tsek ang mga larawan na nagpapakita ng tamang asal o pag uugali.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Ang bawat iniisip natin o sinasabi sa ating kapwa ay maaring magdala sa atin sa kamalian at tayo ay magkasala. Iwasan na magsalita o mag isip ng di maganda sa kapwa. Magsikap tayong gumawa ng mabuti at magsalita ng maayos. Kung may pagkakataong magkasala, tanggapin ito ng may kababang loob, magsisisi at humingi ng kapatawaran. Tandaan na ang palagiang pagdarasal at paghingi ng tulong kay Hesus ay makatutulong sa atin upang higit na maging mabuti at makaiwas sa paggawa ng kasalanan.
PAGLALAHAT: Bawat isa sa atin ay nakagagawa ng kasalanan. Sikapin natin na tanggapin ang ating nagawang kasalanan, pagsisihan ito, magdasal kay Hesus at huming ng kapatawaran. Mahal na mahal tayo ng Diyos at kung nagkakasala tayo sa kanya ay lagi syang handang magpatawad sa mga bumabalik sa kanya.