Ama Namin (lkalawang Bahagi)
Panimula: Sino ang nasa larawan?
Ano ang ginagawa ni Hesus sa larawan?
Kanino kaya nagdarasal si Hesus?
Kayo rin ba ay nagdarasal:
Tuwing kailan kayo nagdarasal? Ano ang inyong ipinagdarasal?
Bakit kayo nagdarasal:
Mahalaga ba na tayo ay nagdarasal? Bakit?
LAYUNIN: Nauunawaan na ang pagdarasal ng Ama Namin ay pagsamba natin sa Diyos bilang ating Ama ng biyaya at pagpapala. Naibabahagi sa kapwa na si Hesus ang nagpapakilala sa Diyos bilang ating Ama na mapagpala at nagbibigay ng mga biyaya na ating kailangan. Patuloy na manalangin sa Diyos Ama ng may pagpupuri at pasasalamat sa lahat ng mga biyaya na ating tinatanggap.
BALIK-ARAL: Anu-ano ang ipinahihiwatig sa unang bahagi ng panalanging Ama Namin? Ano ang tatlong kahilingan na nakatuon sa unang bahagi ng panalanging ito?
PAGBASA: Mateo 6: 7-14
“Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya. Ganito kayo mananalangin,
‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian.[a] Masunod nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw;[b] at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama! [Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.]’[c]
“Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit.
PAHAYAG KRISTIYANO:
Narinig natin sa kwento, na hiniling ng mga alagad na turuan sila ni Hesus na manalangin. Ang turo ni Hesus na, kapag tayo ay nananalangin hindi natin kailangan ang gumamit ng maraming salita. Ang kailangan natin ay isang taimtim na pakikipag-usap sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin.
Dahil sa labis na pagmamahal sa atin ng Diyos Ama ay ibinibigay Niya ang lahat ng pangangailangan ng Kanyang mga anak sa tuwing tayo ay nananalangin sa Kanya. Tulad ng sa ikalawang bahagi ng panalanging Ama Namin... "Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin, sa araw- araw...At higit pa doon, ang ating paghingi ng kapatawaran sa ating mga naging kasalanan... ar patawarin Mo kami sa aming mga sala, gaya ng pagpapatawad naming sa mga nagkakasala sa amin at huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya Mo kami sa lahat ng masama."
Ang ating pagtitiwala sa Diyos Ama na anumang hilingin natin sa Kanya ay Kanyang ipagkakaloob. Tunay na mapagmahal ang Diyos Ama sa lahat ng Kanyang mga anak. Kaya't patuloy Niya tayong inaanyahan sa Banal na Misa upang duon ay mapatunayan natin sa Kanya na itinuturing natin Siyang Diyos Ama tuwing tayo ay nagdarasal ng Ama Namin.
"Bigyan mo kami ng aming kakanin sa araw-araw?" Sa panalanging ito, ipinapakita nito ang relasyon at tipanan ng Diyos at ng tao bilang May gawa ng lahat at kanyang mga nilikha. Kinikilala natin ang katotohanang ang pagkain ay kaloob parin ng ating Ama na dapat nating hilingin at ipagpasalamat sa Kanya. (KPK2169). Dito itinituro ni Hesus na manalanging "aming kakanin" na nagbibigay diin sa pagkakapatiran at pagbabahagi (KPK 2170). Ngunit hind isa tinapay lamang nabubuhay ang tao, jundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos (Mt 4:4). Kabilang dito ang salita ng Diyos at sa Espiritu Niya. Samakatuwid, tinapay ng buhay na inuunawa pareho bilang Salita ng Diyos na tinatanggap sa pananampalataya bilang Katawan ng Panginoon na tinatanggap sa Eukaristiya. (KPK 2174)
"At patawarin Mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad naming sa nagkakasala sa amin." Hinihiling natin rito ang biyaya ng pagpapatawad sa ating mga kasalanan at pagkakautang sa dakilang pag-ibig ng Divos. Mga kasalanang personal na nangangailangan ng taimtin na pagsisisi. (KPK 2181). Ipinapahayag din dito ang kahalagahan ng pagpapatawad at hindi pagtatanim ng sama ng loob o paghihiganti. Ang pagpapatawad ay nangangahulugang pagpapalaya sa nagkasala, pagpapalaya sa kanila sa lahat ng tungkulin at pagpapanumbalik ng mga nawasak na pakikipag-ugnayan. (KPK 2182). Ito ay hindi nagpapahayag na kondisyon ang pagpapatawad sa kapwa upang patawarin tayo ng Diyos sa ating mga sala, sapagkat hindi kailanman sasaklaw ang kabutihan ng Diyos sa ating mga pagpili at pagpapatawad; palaging nauuna ang kanyang biyaya at ito'y nagmumula sa kanyang dakilang kabutihan. (KPK 2184)
"Huwag mo kaming ipahintulot sa tukso?" Tiyak na hindi kalooban ng Diyos na matukso tayo, manapay ibig niyang palayain tayo Sa tukso Itong kahilingang ito ay pagtawag sa Espiritu ng pagwawari at ng pagpapasya isang (Discernment and Decision). Mainaw na mawari ang kaibahan ng pagsubok sa tukso;ang tukso ay panghihikayat at pangaakit sa masama at kasalanan, ngunit ang pagsubok ay nagbubunga ng pagtitiyaga, katatagan, at pag-asa. Sa pagpapasya, kinakailangan na palaging piliin ang tama at Mabuti at ito ay nagagawa sa tulong ng Espiritu Santo na Siyang naglalapit sa ating mga puso sa kung ano ang Mabuti. Hindi mapagtatagumpayan ang tukso kung walang panalangin. (KPK 2191-2194).
"At iadya Mo kami sa lahat ng masama." Hinihiling natin na iadya tayo sa kahulihulihang pagsalakay ng diyabolo, Nagtagumpay si kristong ipinako at muling nabuhay laban sa pinuno ng sanlibutang ito (Jn 14:30). Subalit hindi pa nahahayag sa lahat ang kalayaang ito sapagkat nananabik ang sangnilikha na palayain sa pagkaalipin nito sa kabulukan, at makahati sa maluwalhating kalagayan ng mga anak ng Diyos. (Rom 8: 19-21). Pinalalakas ni Kristo ang ating loob kung kayat manalangin tayo para sa pangkatapusan at tiyak na kalayaang iyon na tanging si Kristo ang makapaghahatid, (KPK 2195-2196)
PANUTO: Ano ang gusto mong hingin sa Diyos? Ilarawan mo ito sa pamamagitan ng pagguhit.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Pagbibigay halaga sa pagtitiwala sa Diyos sa mga pangangailangan sa araw-araw.
PAGLALAHAT: Ang paghingi ng kakanin sa araw-araw ay sumasalamin sa pagtitiwala sa Diyos sa lahat ng aspeto ng buhay. Ang apat na huling kahilingan sa panalangin ng Ama Namin (sa ikalawang bahagi nito) ay ang pagsusumamo/paghingi ng tulong sa Diyos Ama ng awa dahil sa ating karukhaan at mga hangarin. "Kahilingan - Namin para sa kabutihan ng mga nananalangin.