Ama Namin (Unang Bahagi)
Panimula: Kilala nivo ba kung sino ang tinatawag nating Ama sa Langit? Ano ang nararamdaman ninyo kapag tinatawag ninyong"Tatay" o "Papa o "Daddy" ang inyong ama? Bakit kaya mahalaga na matutunan nating dasalin ang panalanging itinuro ni Hesus
LAYUNIN
Aral: Nakikilala ang "Ama Namin" bilang panalanging itinuro ni Hesus. Naipakikilala ang Diyos bilang Ama.
Asal: Naaalala nyo ba ang ating nakaraang aralin tungkol sa ang tanda ng krus at Papuri sa Ama.
Dasal: Ano ang unang dasal na itinuro sa atin ng ating mga magulang, lolo o lola, tito o tita, ate o kuya. O sina man sa pamilya natin?
BALIK-ARAL: Naaalala nyo ba ang ating nakaraang aralin tungko] Sa ang tanda ng krus at Papuri Sa Ama. Ano ang unang dasal na itinuro sa atin ng ating mga magulang, lolo o lola, tito o tita, ate o kuya. O sino man sa pamilya natin?
PAGBASA: Mateo 6: 9-10
Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. Masunod nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.
PAHAYAG KRISTIYANO:
Sa ating pagbasa nalaman natin na ang "Ama Namin" ay ang panalanging itinuro mismo ni Hesus. Tinuruan tayo ni Hesus na tawaging "Ama" ang Diyos. Ang Diyos ay ang ating Ama at tayo ay ang Kaniyang mga anak. Dapat nating sambahin at purihin ang ngalan ng Diyos, at ang kaharian ng Diyos ay pakiki-isa sa pag-ibig. Ang ibig sabihin ng pagsunod sa kalooban ng Diyos ay ang pakikinig sa Kaniyang salita at sa pagsasabuhay nito. Ang kalooban ng Diyos ay dapat masunod sa lupa para nang sa langit; ang lupa ay ang mundo ng tao: ang langit ay ang Paraiso. Kung gagawin natin ang loobin ng Diyos sa ating buhay, ang mundo ay magiging Paraiso na rin.
PANUTO: Magbigay ng tatlong (3) pagkakataon o sitwasyon sa iyong araw-araw na buhay na kung saan ang Diyos ay kinakausap. Hal.: Bago kumain, matulog, umalis, etc.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Patuloy tayong lumapit sa Diyos Ama sa panalangin nang may buong pagtitiwala. Hilingin natin ang Kanyang tulong na maging masunurin at mapagmahal na mga anak, gaya ng halimbawa ni Hesus. Kilalanin natin na Siya ang ating Ama at tayo ang kanyang mga anak. Dapat nating purihin ang Dakilang ngalan ng Diyos.
PAGLALAHAT: Tunay na ang "Ama Namin ay ang pinakamahalagang panalangin dahil ito ay nagmumula mismo sa puso ni Hesus. Dapat tayong mamuhay sa bawat araw sa may pananalig sa kagandahang- loob ng ama.ito ang nagbubuklod sa atin bilang isang pamilya ng Diyos.