Ika-Pito at lka-Sampung utos ng Diyos
Panimula:
Tanong at Sagot
Tanong: Tungkol saan ang inyong napanood na video clip?
Sagot: Tungkol sa isang tindahan sa Batanes.
Tanong: May nakabantay ba sa tindahan?
Sagot: Walang nagbabantay sa tindahan.
Tanong: Ang may-ari ba ay nawawalan ng pera o paninda?
Sagot: Hindi nawawalan ng pera o paninda ang may- ari ng tindahan.
Paglilinaw at Pagpapalalim
Walang nakabantay sa tindahan ngunit hindi naman nawawalan ang may-ari ng tindahan. Nagbabayad ang mga bumibili o kumukuha ng paninda. Ang ibinabayad ng mga mamimili ay eksakto sa halaga ng kanilang binili at ito ay kanilang inihuhulog lamang sa isang kahon na nakalagay din sa loob ng tindahan.
LAYUNIN:
Aral: Makikilala ang karapatan ng bawat isa na mag may-ari.
Asal: Maging tapat at magalang sa pag-aari ng kapwa at matutong magbahagi.
Dasal: Nakahihingi ng tulong sa Banal na Espiritu na maging kuntento at magpasalamat sa mga bagay na mayroon tayo.
BALIK-ARAL: Ano ang mga natatandaan sa nagdaang pag-aaral.
PAGBASA: Gawa 5:1-5
Si Ananias at si Safira
1 Subalit mayroong mag-asawa na nagbenta ng kanilang ari-arian; Ananias ang pangalan ng lalaki at Safira naman ang babae. 2 Hindi ibinigay ni Ananias sa mga apostol ang buong pinagbilhan na sinang-ayunan naman ng kanyang asawa. Isang bahagi lamang ang kanyang ipinagkatiwala sa mga apostol. 3 Kaya't sinabi ni Pedro, “Ananias, bakit ka nagpadala kay Satanas at nagsinungaling ka sa Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan mo ng lupa? 4 Bago mo ipinagbili ang lupa, hindi ba iyo iyon? At nang maipagbili na, hindi ba iyo rin ang pinagbilhan? Bakit mo naisipang gawin iyon? Hindi ka sa tao nagsinungaling kundi sa Diyos.”
5 Nang marinig ito ni Ananias, siya'y nalagutan ng hininga at bumagsak, at lahat ng nakabalita sa pangyayaring iyon ay pinagharian ng matinding takot.
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ikapitong Utos: Huwag kang magnanakaw
Ang ika-pitong utos ay nagbabawal na kunin o angkinin ang ari-arian ng kapwa nang labag sa kanyang kalooban at ipahamak sa ano mang paraan ang kanyang mga ari-arian. Ipinag-uutos nito ang katarungan at pagmamahal sa mga ari-ariang temporal at mga bunga ng trabaho ng tao. Dahil sa pagtingin sa madlang kabutihan, hinihingi ang paggalang sa layuning pangkalahatan ng mga kayamanan at ang karapatang pribado na mag-ari. Ang buhay- kristiyano ay nagsisiskap na ituon sa Diyos at sa pagmamahal sa kapwa ang mga ari-arian sa daigdig na ito (KIK 2401). Ito ay tumutukoy sa pagbabawal na makialan sa pag-aari ng iba, pangungupit, pag-angkin ng hindi kanya at pagsira sa gamit ng iba. Samantala, ang ika-sampung utos naman ay nagbabawal sa pagnanasang kunin O angkinin ang pag-aari ng iba, hindii pagbabayad ng tama o mismong hindi pagbabayad, ang hindi pagsasauli ng mga bagay na iyong hiniram, ang hindi pag- iingat sa gamit ng iba na nagreresulta sa pagkasira ng gamit at ang pagkuha ng labis sa iyong pangangailangan o labis sa nararapat.
Ang lahat ng uri ng pagkuha at paggamit sa ari-arian ng iba nang labag sa kanyang kalooban ay salungat sa ikapitong utos. Ang gayong paglabag sa katarungan ay humihingi ng reparasyon. Iniuutos ng hustiyang panglahat ang pagsasauli ng ninakaw (KIK 2454)
Ikasampung Utos: Huwag kang magnanasa sa ari-arian ng iyong kapwa.
Ipinagbabawal ng ikasampung utos ang kasakiman o ang walang pagtitimping pagkakamit ng mga bagay makalupa. Ipinagbabawal ang labas na pagnanasa na nag- na uugat sa pagkahumaling sa kayamanan at kapangyarihan Ipinagbabawal din nito ang pagnanasang gawan ng di- makatarungan ang kapwa sa pamamagitan ng Pagtatangka laban sa kanyang mga ari-arian (KIK 2535).
Hinihingi ng utos na ito na ang inggit ay iwaksi sa puso. Sa paghahangad na mapukaw ang pagsisisi sa puso ni Haring David, ay isinasalaysay ni Natan ang kuwento hinggil ds idsng mahirap na nagmamay-ari sa isang tupa na kanyang itinuturing bilang anak, at sa isang mayaman, sa kabila ng pagkakaroon niya ng maraming kawan, ay naiinggit sa mahirap tao hanggang Sa ito ay humantong sa na pagnanakaw ng kanyang kaisa-isang tupa. Ang inggit ay maaaring humantong sa higit na malalang kasamaan. Ang kamatayan ay pumasok sa mundo dahil sa inggit ng diablo (KIK 2358). Ang inggit ay ang pagdaranas ng kalungkutan dahil sa kabutihang tinataglay ng kapwa at ang labis na pagnanais na maangkin ito. Ito ay isang pangunahing kasalanan (KIK 2553).
Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay para sa lahat ng tao. Pantay-pantay ang karapatan ng tao sa mga nilikha ng Diyos. Dahil dito, ang sinumang magnanasa at kukuha ng pag-aari ng iba sa maling pamamaraan ay nagkakasala na, ang tawag natin dito ay pagnanakaw. Ibig ding sabihin ng pantay-pantay ang karapatan ng tao sa mga nilikha ng Diyos ay ang nilikha ng Diyos ay para sa lahat ng pangagailangan tao. Kaya ang tao ay dapat lamang kumuha ○ mag may-ari ayon sa kanyang pangangailangan, at hindi labis. Kailangan din na ang tao ay makuntento kahit maliit o kakaunti ang mayroon siya. Itinuturo din na ang tao ay dapat magbahagi sa mga nangangailangan.
PANUTO: Bilangin ang mga bata. Maghanda ng mga candies na dapat ay sobra ang bilang sa dami ng mga bata. Isabog ang candies sa ibabaw ng mesa. Palapitin sa mesa ang lahat ng mga bata at pakuhanin ng candies. Kapag nakakuha na ang lahat, alamin kung sino ang bata na walang nakuha at kung sino naman ang nakakuha ng higit sa isang piraso.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Ipaalala na dapat tayong maging matapat, matutong magbahagi sa iba, kumuha lamang ng nararapat at palaging magpasalamat.
PAGLALAHAT: Awit: Pananagutan.