Ang Ikaapat na Utos
Panimula: "Igalang mo ang iyong Ama at Ina" ito ang ikaapat ng utos ng Diyos.
Tanong at Sagot
Sino si Elizabeth at ano ang ugnayan nila ni Maria? (Si Elizabeth at Maria ay magpinsan.)
Ilang buwan nanatili si Maria sa tahanan nina Elizabeth? (Tatlong buwan nanatili si Maria sa tahanan nina Elizabeth.
Paglilinaw at Pagpapalalim
Si Elizabeth ay nakatatandang pinsan ni Maria. Sa kabila ng kanyang pagdadalang-tao, si Maria ay naglakbay ng malayo upang marating ang Judea kung saan nakatira ang kanyang pinsang si Elizabeth. Tatlong buwan siyang nanatili sa piling ni Elizabeth upang ito ay kanyang alagaar sa kanyang pagdadalang-tao at panganganak
LAYUNIN:
Aral: Maunawaan ng mga bata na sa ika-apat na utos "Igalang Mo Ang lyong Ama At Ina", ang pangunahing masuyong paggalang sa mga magulang na kailangan para sa kabutihan ng pamilya at sambayanan (KPK 1050)
Asal: Maipadama ang pagmamahal, pagkalinga at respeto sa mga
Dasal: Buong pusong maisama sa pananalangin ang mga magulang at nakatatanda
BALIK-ARAL: Ano ang mga natatandaan sa nagdaang pag-aaral.
PAGBASA: Mateo 21:28-31
Ang Talinghaga tungkol sa Dalawang Anak
28 “Ano ang palagay ninyo rito? May isang taong may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa nakatatanda at sinabi, ‘Anak, pumunta ka ngayon sa ubasan at magtrabaho ka roon.’ 29 ‘Ayoko po,’ tugon nito, ngunit nagbago ito ng pasya at nagtrabaho sa ubasan. 30 Lumapit din ang ama sa ikalawa at ganoon din ang kanyang sinabi. At tumugon ito, ‘Opo,’ ngunit hindi naman pumunta sa ubasan. 31 Sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama?”
“Ang nakatatanda po,” sagot nila.
Sinabi sa kanila ni Jesus, “Tandaan ninyo: ang mga maniningil ng buwis at ang mga bayarang babae ay nauuna pa sa inyo na makapasok sa kaharian ng Diyos.
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ang presensiya ng Diyos ay ipinadadama sa atin sa pamamagitan ng ating mga magulang at mga nakatatanda sa simbahan, paaralan at komunidad na kumakalinga Sa atin. Kaya dapat lang natin silang suklian ng paggalang at pagmamahal. Matutunan sana natin na gumawa ng mabuti at maging masunurin sa ating mga magulang at nakatatanda. Sila din ay ating aalagaan sa kanilang pagtanda.
Mababasa natin sa Banal na Biblia ang utos na tayong mga anak ay dapat sumunod sa utos ng ating ama at ina, "Aking anak, utos nga ng ama mo ay sundin, huwag mong tatalikuran, ng inang giliw. Sa puso mo ay iukit at turo itanim mo sa isip" (Kawikaan 6:20-21).
Hinihingi ng ikaapat na utos ang paggalang sa magulang mula sa bata at maging sa mga matatanda. Karaniwang turo ito sa Biblia. (KPK. 1021)
Ang ganitong pag-uugali ng paggalang sa magulang ang ipinakita ni Jesus kina Maria at Jose sa kanyang lingid na buhay nang patuloy na lumaki si Jesus. (KPK. 1022)
Ang masuyong paggalang ng mga anak sa mga magulang ay dapat ipagkaloob (KPK. 1051):
Hindi dahil sa kanilang aktuwal na kakayahan kapakinabangan, o likas na kabutihang-asal kundi dahil sa kanilang pagiging magulang
Hindi lamang para sa kabutihan ng bawat pamilya, kundi dahil sa kailangan ito para mismo sa sambayanan.
Na magkapantay pareho sa ama at ina.
Ang pamilya, bilang pinagmumulan ng kalalagayan ng buhay ng tao ay maari tignan bilang (KPK. 1054):
Isang tipanang ugnayan na itinatag ng Diyos mula sa paglikha, na nagpapakita ng higit sa pag-ibig pampamilya.
Ang Simbahang-pantahanan na sa pamamagitan ng Binvag ay nakikibahagi sa Santatluhang Pakikipag-isa sa Pag-ibig ng Diyos, at nagsisilbing paaralan ng pagiging alagad at gawang-kabanalan ng Kristiyano.
Ang pangunahin at mahalagang bahagi ng lipunan, na kinasasaligan ng at nagpapalusog sa mabuting asal sa kapwa na kinakailngan para sa mismong lipunan.
PANUTO: Guhit Pasasalamat
Gawain: Paguhitin ang bata ng larawan ng kanilang pamilya
Ipasulat ( ipakwento) ang sagot sa tanong:"Paano ko ipinapakita ang paggalang kina Nanay at Tatay?"
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Tanong at Sagot sa mga Sitwasyon
Sitwasyon - May mga bisitang dumating ang iyong mge magulang sa inyong bahay, ano ang iyong gagawin?
Tanong 1: Ano ang inyong gagawin?
Mga Posibleng Sagot:
pagmamano sa mga bisita
paggalang at pagsagot ng "po" at "opo"
Tanong 2: Anu-ano ang mga mabuting kaugalian na ipinapakita ng mga bata sa mga bisitang dumating?
PAGLALAHAT: Awitin ang "I Love You Tatay, I Love You Nanay, I Love You Ate, I love you Kuya. (Sa himig ng awiting "Buhay ng Kristiyano ay Masayang Tunay").