Ang Ikatlong Utos ng Diyos
Panimula: "Igalang ang araw ng pamamahinga" ito ang ikatlong utos ng Diyos. "Workaholic" workaholic ay isang taong sobra ang oras na inilalaan sa pagtatrabaho at hindi naglalaan ng oras para mag relax. Ano ang nangyayari sa taong puro trabaho ang ginagawa? Wala na syang oras para sa pamilya, para sa pagsisimba, lagi siyang pagod at mainitin ang ulo.
Kayo ba, ano-ano ang pinagkakaabalahan nyo? Pagpasok sa eskuwela, paggawa ng assignment, extra-curricular activities, mga gawaing bahay, pagpunta sa mga kamag- anak, etc. Ano ba ang sinasabi ng Diyos tungkol sa paglalaan ng panahon sa pamamahinga?
LAYUNIN:
Aral: Mapahalagahan ang pagsisimba b ilang pangunahing paraan ng paggalang sa araw ng pamamahinga.
Asal: Magsikap na maipahayag ang pagmamahal at pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng Kanyang kaloob o bigay na biyaya sa pamamagitan ng pagsisimba kasama ang Kanyang sambayanan.
Dasal: Masiglang makiisa sa Banal na Misa.
BALIK-ARAL: Kwento ng Paglikha. Anim na araw na naglikha ang Diyos, nguni' amahinga sa ika-pitong araw. (Exodo 20:11)
PAGBASA: Exodo 20:8-11
8 “Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga. 9 Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. 10 Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na iyong Diyos; ito ay Araw ng Pamamahinga. Sa araw na ito'y huwag magtrabaho ang sinuman sa inyo; kayo, ang inyong mga anak, mga aliping lalaki o babae, ang inyong mga alagang hayop, ni ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo. 11 Anim na araw kong nilikha ang langit, ang lupa, ang mga dagat at ang lahat ng nasa mga ito. Ngunit namahinga ako sa ikapitong araw. Kaya't ito'y aking pinagpala at inilaan para sa akin.
PAHAYAG KRISTIYANO:
Mahal na mahal ng Diyos ang tao, ang Kanyang espesyal na nilikha. Hininga Niya ang ibinigay Niya sa tao para magkaroon ito ng buhay. Bago nga likhain ng Diyos ang tao, inihanda Niya muna ang lahat ng kakailanganin nito upang mabuhay ng maayos at mapayapa.
Dahil din sa Kanyang pagmamahal, binigyan Niya ang tao ng mga utos o tuntunin para kalingain at protektahan tayo at ang ating kapwa. Narinig natin sa ating pagbasa na sinabi Niya na dapat ilaan sa Kanya ng tao ang araw ng Pamamahinga. Ito ang Kanyang Ikatlong Utos. Alam Niya na marami tayong pinagkaka-abalahan araw-araw na nakapapagod sa atin. Kailangan natin ang isang araw sa isang linggo para magpahinga upang makagpanibago ng lakas: lakas ng katawan, isip at kaluluwa.
Pinabanal ng Diyos ang araw ng pamamahinga (Gen. 2:2-3) kaya naman dapat nating panatilihing banal ang araw na ito sa pamamagitan ng pagsisimba. Ang Banal na Misa ay isang pagdiriwang kung saan tayo ay masiglang nakikiisa sa sambayanan ng mga sumasampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng pakikinig sa Salita ng Diyos at sa homilya ng pari, pagsagot sa mga panalangin, pag-awit, pagtayo, pagluhod at pag-upo sa mga takdang sandali.
Si Hesus ay nabuhay na mag-uli sa araw ng linggo, kaya ito ay tinatawag ding Araw ng Panginoon o the Lord's Day. Sa araw na ito, dapat nating ipagdiwang ang ating pag-asa sa buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos sa langit. Tayo ay magsimba, magpahinga, at umiwas sa paggawa ng mabibigat na trabaho.
May dalawang pangunahing batayan ang Araw ng Pamamahinga (KPK. 932):
Ang mapaglikhang pamamahinga ng Diyos sa Genesis (Ex. 20:11) na hindi ng kawalan ng gawain kundi ang mahalagang layunin ng paglikha ay maka-ugnay ang Diyos.
Ang paggunita sa pagpapalayang Exodo mula sa pagkaalipin at ang pangangailangan ng panlipunang pagtigil sa paggawa at paglilibang.
Ipinapaalala ng Batas ng Simbahan sa mga mananampalataya ang kanilang tungkulin na sumamba nang sama-sama bilang isang pamayanan tuwing araw ng linggo, ang araw ng Muling pagkabuhay ni Kristo, sa pamamagitan ng aktibong pakikibahagi sa Eukaristiya, ang sakripisyo ng bagong Batas na itinatag ni Kristo. (KPK. 933)
Ang pamamahinga tuwing linggo ay nangangahuliugan ng presensya ng Diyos, na kinapapalooban ng pagpapalaya ng sarili mula sa matinidng pagkabahala, mula sa lybhang pagkalulong Sa gawain at mula sa pagkaabala sa pakikipagtagisan sa pagkakamit ng tagumpay. (KPK. 934)
PANUTO: Pagkukulay ng larawan ng Simbahan at mag-anak na pupunta sa Simbahan.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Paggalang: Pakikinig; Pagsisimba tuwing araw ng linggo at pistang pangilin.
PAGLALAHAT: Ang pagsisimba tuwing araw ng Linggo at pistang pangilin ayang ikatlong utos ng Diyos. Pinaging banal ito ng Diyos nang Siya ay magpahinga Sa ika-pitong araw matapos Siyang maglikha. Ito din ang araw ng muling pagkabuhay ni Hesukristo, kaya naman dapat nating ipagdiwang at panatilihing banal ang Araw ng Diyos.