Ikalawang Utos ng Diyos
Panimula: "Huwag mong gamitin ang ngalan ng Diyos sa walang kabuluhang bagay"Bawat isa sa atin ay may sariling paniniwala o pananaw. Mahalaga na igalang natin ito para sa maayos na ugnayan. Kailangan ang pag-aaral upang maibahagi ang tamang kaalaman.
LAYUNIN:
Aral: Aral: Matutunan ang tamang paggalang sa pangalan ng Diyos
Asal: Maisagawa ang tamang pakikitungo sa kapwa sa pang araw araw na buhay.
Dasal: Makapagdasal na pagkalooban ng kababaang loob upang igalang ang kapwa.
BALIK-ARAL: Balikan ang Aralin #15
PAGBASA: Lucas 23: 39-43
39 Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.”
40 Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! 41 Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.” 42 At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.”
43 Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”
PAHAYAG KRISTIYANO:
Marami sa atin ang hindi alam kung paano igalang ang pangalan ng Diyos. Ang hindi paggalang sa Banal na pangalan ng Diyos ay Isang kasalanan. Saikalawang utos ng Diyos. itinuturo Sa atin na dapat nating panatilihing Banal ang ngalan ng Diyos sa ating puso nang may ang ngalan ng Diyos kung ito ay para sa pagsamba, pagpuri pagmamahal at paggalang. Maaari lamang nating bigkasin at pagdakila sa Kanya.
Karaniwang kaalaman na ang pangalan para sa mga tauhan sa Bibliya ay may isang natatanging kahulugan at kapangyarihan. Ang 'pangalan` ang kumakatawan sa tao, ginawang aktibo at naririto ang tao dahil sa pangalan. Ang pangalan ng Diyos ay napag-isipan bilang ang presensya, ang shekinah, ng Diyos mismo. Kapag tunay na nabanggit ang pangalan, o kapag amng salita ng Diyos ay naaalala. gayun nga, talagang naririto ang Diyos at nagsasalita sa pamamagitan ng Kanyang inaalalang salita. Sa gayon, ang pangalan ng Diyos ay biyaya ng Diyos sa kanyang tinipang bayan. Ang panunumpa nang di-totoo na ginagamit ang pangalan ng Diyos ay pagsira sa tipan. (KPK 895)
Ang Binyagang Kristiyano ay dapat magbigay ng patotoo hinggil sa ngalan ng Panginoon, sa pagpapahayag ng kanyang pananampalataya nang walang takot. Ang pangangaral at ang katekesis ay dapat magtaglay ng pagsamba at papuri sa ngalan ng ating Panginoong Jesukristo. (KIK 2144)
Sa Ikalawang Utos ipinagbabawal lapastanganin ang ngalan ng Diyos, ni Jesukristo, ang Mahal na Birhen at ng lahat ng mga Santo (KIK 2146). Sa mga pangakong ginagawa sa iba pa sa ngalan ng Diyos ay nakataya at nakataya at nasasangkot ang dangal, katapatan, katunayan, at kapangyarihan ng Diyos. Dapat tuparin nang buong katarungan ang mga iyon. Ang maging suwail sa mga iyon ay pagmamalabis sa ngalan ng Diyos, at sa isang dako, ay ginagawang sinungaling ang Diyos (KIK 2147)
Sa panunumpang di-totoo ay ginagawang saksi ang Diyos ng isang kasinungalingan. Ang panunumpang di-totoo ay isang mabigat na kasalanan laban sa Panginoon, na laging tapat sa kanyang mga pangako (KIK 2163)
Ang pagsasalita ng hindi maganda o paggawa ng laban sa sinuman o bagay na banal ay isang maling gawain at walang paggalang, Ang bawat isa ay tinatawag ng Diyos sa sarili niyang pangalan. Ang pangalan ng lahat ng tao a) banal. Ang pangalan ay larawan ng persona. nito ang pitagan bilang tanda ng karangalang nagdadala niya (KIK 2158)
Narinig natin sa binasa ang dalawang uri ng tao na nakasama ni Jesus na nagpakita ng magkaibang ugali, kung saan nakita ang kabutihang dulot ng paggalang. Bawat isa sa atin ay may sariling paniniwala at pananaw. Mahalaga na igalang natin ang ating kapwa sa kanilang naiibang paniniwala upang maging maayos ang ating ugnayan. At sa araw araw ng ating pananalangin, pasalamatan natin ang Diyos ng may paggalang at kababaang loob.
PANUTO: I-grupo ang mga bata sa apat. Maghanda ng papel Pumili ng leader at secretary. Sagutan ang mga sumusunod by group
Ano ang inyong gagawin o sasabihin sa mga sumusunod na sitwasvon:
Narinig mo sa mga barkada mo ang salitang Oh my God/Diyos ko at Sus Maria?
Mas mahalaga ba sa kapatid mo na maglaro sa computer kaysa tulungan si Nanay sa gawaing Bahay. Pagkatapos masagutan ang mga tanong, ibahagi ang sagot ng inyong grupo sa buong klase.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Paggalang sa Ngalan ng Diyos; Pagsamba
PAGLALAHAT: Ang paggalang sa Banal na pangalan ng Diyos ay tanda ng kabanalan. Ang paggalang ay tanda ng pagkakaroon ng kababaang loob at maayos na relasyon Sa ating kapwa.