Si Jesus bilang Tinapay ng Buhay at ang Kanyang mga Presensiya
Panimula: Iniwan sa atin ni Hesus ang Eukaristiva upang laging ipaalala sa atin na kapiling natin siya hanggang sa wakas ng panahon. (Mt. 28:20)
LAYUNIN:
Aral: Nalalaman na si Hesus ay kapiling natin lagi sa anyo ng Tinapay at Alak at tinatanggap sa tuwing ipinagdiriwang ang Banal na Eukaristiya
Asal: Nakapahahalagahan ang Banal na Eukaristiya bilang pinakamataas na anyo ng pagsamba at panalangin.
Dasal: Nakadadalo sa Banal na Eukaristiya linggu- linggo bilang tanda ng pasasalamat at pagpupuri sa Divos.
BALIK-ARAL: Sa tuwing tayo ay mag-aantanda ng krus sa anong bahagi ng katawan natin itinatatak ang Espiritu Santo? Ano ang kahulugan nito? Ang Espiritu Santo ay tila sa nakasinding kandila, na nagbibigay-liwanag sa gitna ng dilim, Magbigay ng mga kaloob ng Espiritu Santo.
PAGBASA: Mk. 14:22-25
Ang Banal na Hapunan ng Panginoon
22 Habang kumakain sila, si Jesus ay dumampot ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, kanyang pinaghati-hati ang tinapay at iniabot sa mga alagad. Sinabi niya, “Kunin ninyo ito; ito ang aking katawan.” 23 Dumampot din siya ng kopa at matapos magpasalamat sa Diyos ay iniabot din niya iyon sa mga alagad, at uminom silang lahat. 24 Sinabi niya, “Ito ang aking dugo; pinapagtibay nito ang tipan ng Diyos. Ang aking dugo ay mabubuhos para sa marami. 25 Tandaan ninyo: hinding-hindi na ako muling iinom pa ng katas ng ubas hanggang sa araw na inumin kong panibago sa kaharian ng Diyos.”
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ang Presensiya ni Hesus sa Tinapay na Pagkain Mga bata, ano ang inyong paboritong pagkain?
Tunay na mahalaga ang pagkain. Ang mga ito ang nagbibigay ng lakas sa ating katawan. Ang mga ito ang nagbibigay ng energy sa atin upang magawa natin ang mga bagay na dapat nating gawin. Sa iba't ibang uri ng pagkain, nakakakuha tayo ng iba't ibang vitamins and minerals na kailangan ng katawan natin upang gumana ito nang maayos.
Halimbawa, kapag ikaw ay kumain ng orange, makakukuha ka ng Vitamin C na Pampalakas ng iyong resistensiya laban sa mga sakit. Kapag ikaw naman ay kumain ng kalabasa, makakukuha ka ng Vitamin A na pampalinaw ng iyong mata.
Alam niyo ba na sa Eukaristiya, si Hesus ay ang pagkaing tinatanggap at pinagsasaluhan natin? Oo, Siya ang maliit na ostiya, ang kulay puting tinapay na inyong tatanggapin sa inyong First Communion. Siya rin ay nasa anyo ng alak.
Katulad ng pagkain ng orange na nagbibigay ng Vitamin C at kalabasa na nagbibigay ng Vitamin A, ang pagkain natin kay Hesus sa anyo ng tinapay ay may mga magagandang bunga sa ating buhay.
Una, sa inyong pagtanggap kay Hesus sa anyo ng tinapay kayo ay nakikiisa sa Kanya (KPK 1717). Sa bawat pagtanggap ninyo ng Banal na Komunyon, mas nagiging close si Hesus sa inyo, at nagiging close naman kayo sa Kanya. Kapag siya ay kinakain ninyo bilang Tinapay, umasa kayo, mga bata, ng Kanyang paggabay. Siya ang gagabay sa inyo, Siya ang hahawak ng inyong mga kamay sa inyong paglakad sa daan ng buhay. Sa panahon ng pagsubok at mga problema, si Hesus ang tutulong sa inyo at magbibigay sa inyo ng lakas. Kapag palagian niyo siyang Eukaristiya, umasa kaya tinanggap na Sa Banal na bibigyang liwanag niyang lagi ang inyong mga isip at huhubugin Niya kayo bilang mabubuti at mababait na mga bata.
Pangalawa, sa invong pagkain kay Hesus sa anyo ng tinapay, tutulungan kayo ni Hesus na maging mas mapagmahal (KPK 1718), Kung lagi niyong sisikaping magsimba at tanggapin si Hesus sa anyo ng tinapay, mas magiging magalang, mapagmahal at masunurin kayo sa inyong mga magulang. Mas lalalim pa ang pag-ibig mo sa iyong mga kaibigan. Habang tinatanggap mo si Hesus, mas natututo kang tumulong sa mga nangangailangan.
Pangatlo, ang pagbibigay ni Hesus sa inyo ng Kanyang sarili sa inyo, mga bata, sa anyo ng tinapay, ay tanda ng Kanyang dakilang pagmamahal sa inyo. Binibigyan kayo n Hesus ng tinapay na inyong makakain, tanda ng katotohanan na hindi Niya kayo kailanman pababayaan, na hindi Niya kayo hahayaang magutom. Sa malit na tinapay na ostiya, ibinibigay Niya ang Kanyang buong sarili sa inyo, tanda ng Kanyang pagmamahal. (KPK 1708 Mahal kayo ni Hesus! Mahal tayo ni Hesus!
Iba pang Presensiya ni Hesus sa Banal na Eukaristiya (KPK 1722)
Si Hesus ay hindi lamang naroroon sa Tinapay at Alak. Siya rin ay kapiling natin sa pamamagitan ng (1) pari (na siyang tagapanguna sa Banal na Misa) at (2) Banal na Kasulatan (na siyang gumagabay sa ating buhay) (3) Sa mga tao na sama-samang natitipon sa pagsamba sa Banal na Misa.
PANUTO: Pagsulat ng Panalangin
Bigyan ang mga bata ng piraso ng papel. Sa loob ng ilang minuto, pasulatin sila ng kanilang panalangin kay Hesus. Maaaring nila itong ialay sa harap ng Kabanal-banalang Sakramento.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Ugaliin na pagsisimba lalo na tuwing araw ng Linggo. Ito ay bilang pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat kay Hesus na laging kapiling natin
PAGLALAHAT: Muli, sa isang pirasong papel, maaaring pasulatin ang mga bata ng isang slogan na magpapaalala sa kanila ng pagmamaha sa kanila ni Hesus na palagiang nagbibigay ng Kanyang sarili sa Banal na Eukaristiya. Ang slogan na ito ay maaaring nilang ipaskil sa kanilang mga bahay, upang lagi nilang makita at maala-ala.
AKO SI ___________ (PANGALAN)
ISANG BATA NA MINAMAHAL NI HESUS.