Ang Espiritu Santo, ating Cabay. at ang Kanyang mga Kaloob
Panimula: Iniwan sa atin ni Hesus ang Espiritu Santo bilang ating Tanglaw at Liwanag na Siyang gagabay sa atin sa pagtahak natin sa daan ng buhay.
LAYUNIN:
Aral: Nalalaman na ang Espiritu ay ang pangakong ipadadala ni Hesus matapos Siyang umakyat sa langit. Naniniwala na ang Banal na Espiritu ay maaasahan sa lahat ng sandali
Asal: Nakasusunod sa inspirasyon ng Espiritu Santo nang may bukas na isipan.
Dasal: Nakahihingi ng tulong sa Espiritu Santo upang magkaroon ng bukas na kaisipan.
BALIK-ARAL: Ano ang mga ginawa ni Hesus na nagpapakita at magpapadama sa atin na Siya ang ating Tagapagligtas? Ipakita ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang puzzle.
PAGBASA: Gawa 2:1-4
Ang Pagpanaog ng Banal na Espiritu
1 Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar nang sumapit ang araw ng Pentecostes. 2 Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. 3 May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, 4 at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ang Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ay ang "Panginoong Naębibięay-buhay." Ang buhay na ibinibigay sa atin ng Espiritu ay ang buhay na banal, ang buhay ng Diyos na pag-ibig (1 Jn, 4:8) Siya ang naglalapit sa atin kay Hesus. (KPK 1322)
Kaya naman, sa tuwing mag-aatanda tayo ng Krus, itinanatak natin sa ating mga balikat ang Espiritu Santo. Siva ang Paraklito na tumutulong sa atin, Siya ang tila humahawak sa ating mga balikat upang tayoy maging banal, mabuti, magalang, masunurin, mapagmahal at maalalahanin sa ating kapwa. Habang tayoy lumalago sa pag-ibig, kapag tayoy nagiging mas mapagmahal, tayo'y mas napapalapit at nagiging mas kamukha ni Hesus, at ito ay gawain ng Espiritu Santo.
Buklod ng Pag-ibig. Ang Espiritu Santo ay ang buklod ng pag-ibig ng Diyos Ama at Anak, ang ating Panginoong Hesukristo.
Kaya naman, masasabi nating kumikilos ang Espiritu Santo sa ating buhay kung ang ating mga pamilya, kamag- anakanan, pagkakaibigan ay pinag-iisa at pinagsasama ng pag-ibig. (KPK 1324)
Ilang Paglalarawan sa Espiritu Santo
Madalas nakikita sa mga paglalarawan ng Espiritu Santo ang isang kalapati, dahil ito ay natatagpuan sa banal na Kasulatann nang ang Panginoon ay mabinyagan (Mt.3:16- 17). Ang Espiritu Santo ay nailalarawan din sa pamamagitan ng:
Apoy KPK 1276 - Ang Espiritu Santo ay tila apoy sa isang nakasinding kandila, na tumatanglaw sa atin sa kadiliman.
Hangin KPK 1276 - Ang hangin ay hindi natin nakikita, ngunit alam nating ito ay nagbibigay sa atin ng buhay. Sa ating mga Katoliko, ang Espiritu Santo ang nagbibigay-buhay sa atin.
Pagkilos ng Espiritu Santo
Kumikilos ngayon si Kristo sa mga puso ng mga tao sa kapanggyarihan ng Kanyang Espiritu; hindi lamang Niya pinupukaw sa kanila ang isang pagnanasa para sa daigdig na darating, kundi Kanyang pinag-aalab, dinadalisay, at Dinalalakas ang mga mararangal n a mithiin ng sangkatauhan na gawing higit na makatao ang buhay at ipailalim ang buong sanlibutan sa layuning ito. (GS 38; KPK 1274).
Mga bata, sa inyong buhay, lagi kayong tinuturuan ng inyong mga magulang upang maging mabait, masunurin, masipag at magalang. Tinuruan kayo sa school ng mga good manners and right conduct. Itinuturo sa inyo na maging laging maingat sa inyong mga ikinikilos at ginagawa Pinapaalalahanan kayo na hindi magdulot ng pinsala o perwisyo sa inyong kapwa at sa pamayanan. Lagi kayong pinapaalalahanan na maging maayos at disente sa inyong mga pananalita. Maganda at magalang dapat ang mga salita na inyong sasabihin, lalo na kung ito ay patungkol sa ibang mga tao.
Madalas, mga bata, mahirap sundin ang mga ito. Mahirap maging isang mabuting bata. May mga pagkakataon marahil na mas umiiral sa inyo ang pagiging makulit o pasaway. Ngunit, mga bata, lagi ninyong tatandaan, ang Espiritu Santo ang humuhubog sa inyo tungo sa kabutihan. Siya ang gumagabay sa inyo upang maging mga mabubuting tao, Nais ng Espiritu Santo na maging mabuti kayo sa invong mga ikinikilos at sinasabi. Nais niva kayong nivang lumaki kayong mabuti nang sa gayon ay may maiwan kayong mabuti rito sa mundong ibabaw,
Sundin niyo lagi ang Espiritu Santo. Siya ay nasa kalooban ninyo, laging nagtuturo sa kung anong tama mula sa mali Siya ang magtuturo ng daan upang ang mabuti ay inyong gampanan at ang masama ay iwasan. Siya ay nagsasalita sa pamamagitan ng paggabay sa inyo ng mga nakatatanda.
Mga Kaloob ng Espiritu Santo
Ang Kaloob ng Espiritu Santo ay hango sa hula ni Propeta Isaias (Isaias 11:2-3; KPK 1339). Avon sa turo ng ating Simbahan, ang mga biyayang ito ay tinatanggap natin sa Sakramento ngBinyagat lalong pinagtitibay sa Sakramento ng Kumpil (Confirmation). Narito ang pitong kaloob at ang kanilang kahulugan para sa ating buhay- pananampalataya na maaaring hatiin sa dalawang grupo:
May iba't ibang mga kaloob o gifts ang Espiritu Santo na laging tutulong sa ating buhay.
Karunungan (Wisdom) - Ang kakayahang makita ang lahat ng bagay ayon sa pananaw ng Diyos. Hindi lamang ito talino, kundi ang pagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal kaysa sa mga materyal.
Pag-unawa (Understanding) Tinutulungan tayo nito na mas malalim na mabatid ang mga katotohanan ng ating pananampalataya at ang kahulugan ng Salita ng Diyos.
Pagpapayo (Counsel) Tinutulungan tayong makagawa ng tamang desisyon, lalo na sa mga moral na usapin. Ita ang "tinig" na gumagabay sa atin para piliin ang mabuti at iwasan ang masama.
Kaalaman (Knowledge) Ang kakayahang makita ang ugnayan ng mga nilikha sa Maykapal. Tinutulungan tayo nitong malaman ang tunay na halaga ng mga bagay dito sa mundo.
Katapangan (Fortitude) Ang lakas ng loob na panindigan ang pananampalataya sa kabila ng mga pagsubok, takot, o pag-uusig.
Pagpapabanal (Piety) - Ang pagbibigay ng wastong paggalang at pag-ibig sa Diyos bilang ating Ama. Nagbubunga ito ng pagnanais na maglingkod sa Kanya at sa kapwa nang may kagalakan.
Banal na Pagkatakot sa Panginoon (Fear of the Lord) Hindi ito takot na parang sa isang malupit na hukom, kundi ang banal na paggalang at pag-iwas na makasakit sa damdamin ng Diyos dahil sa sobrang pagmamahal sa Kanya.
PANUTO: Situation - Reflection Activity
Mga halimbawang sitwasyon:
1. May magaganap na Science Quiz Bee. Dalawa kayong pinagpipilian ng guro kaya't kukuha kayo ng pagsusulit. Nangangamba kang baka ka matalo. Ano ang gagawin mo?
2. Nag-iisa ka sa bahay nang may mga batang namamalimos sa harap ng inyong gate. Nagbilin ang nanay mo na huwag magpapapasok ng taong hindi mo kakilala. Ano ang gagawin mo?
3. May surprise quiz ang iyong guro. Hindi ka nakapag- aral kagabi. Ano ang gagawin mos
4. Isang hapon, inaya ka ng iyong kaibigan na maglaro ngunit ang inyong pamilya ay magsisimba. Ano ang iyong gagawin?
5. Sa inyong school, nakakita ka ng isang wallet ng nakakalat sa daan. Ano ang iyong gagawin?
6. Nakita mo ang iyong kaibigan na tila malungkot at walang kibo. Ano ang dapat mong gawin?
7. Bumili ka sa isang tindahan at nakita mong sobra ang ibinigay sa iyong sukli. Ano ang dapat gawin?
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Mga bata, ugaliin niyong manalangin sa Espiritu Santo. Hingin ninyo lagi ang Kanyang tulong sa inyong buhay. Hingin ninya ang Kanyang liwanag upang makagawa ng mabubuti at makabuluhang pagpapasiya.
PAGLALAHAT: Ang kamatayan ni Hesus sa krus ay patunay ng Kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama at pagmamahal kung kaya handa Siyang magsakripisyo para sa atin. Ang kanyang pagkabuhay ay simbolo ng pag-asa ng isang bagong simula kahit may paghihirap. At higit sa lahat ang kanyang sakripisyo sa krus ay kapatawaran sa ating mga kasalanan.