Si Jesus bilang Mabuting Kaibigan
Panimula: Visual Cue - Larawan ni Hesus na nakangiti.
Pasisimulan ng Katekista ang aralin sa pamamagitan ng isang paanyaya: "Alam ba ninyo na si Hesus ay hindi lang Diyos? Siya rin ay mabuting kaibigan."
LAYUNIN:
Aral: Nakikilala si Hesus bilang kanilang mabuting kaibigan at mauunawaan na ang mabuting kaibigan ay tapat.
Asal: Nakapagbibigay ng simpleng halimbawa ng pagiging tapat at mabuting kaibigan at nahihikayat na tularan si Hesus sa pakikipagkaibigan na may integridad at pananagutan.
Dasal: Nakapagpapasalamat sa Diyos Ama sa pagbibigay kay Hesus bilang Mabuting Kaibigan
BALIK-ARAL: Sino ang nakasama ni Hesus noong Siya ay ipinanganak? Paliwanag para sa bata: Nang si Hesus ay ipinanganak, nandiyan si Maria, si Jose, at maging ang mga pastol at anghel. Ipinakita Niya na mahalaga ang pamilya at ang mga taong malapit sa Kanya.
Visual aids: Isang simpleng larawan ng sanggol Hesus na nakangiti Layunin ng tanong: Makita ng bata na ang pagiging hawak ni Maria o ni Jose ang kamay Niya. mabuting kaibigan ay nagsisimula sa pagiging mabait mapagmalasakit, at tapat sa pamilya at kaibigan.
PAGBASA: Juan 15:15
15 Hindi ko na kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama.
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ukol sa Kamatavan ni Hesus
Sa ating mundo ngayon, nagiging normal na lamang ang pagiging makasarili. May mga taong hindi na naiisip ang kapakanan ng iba, na ang inuuna ay ang sarili nila. Halimbawa, may mga taong mas pinipili ang magputol ng puno sa kagubatan upang pagkakitaan, na hindi iniisip na maaaring magdulot ito ng pagbaha o pagguho ng lupa. Sa social media, may mga taong mas pipiliing makakuha ng likes at comments kahit na ang kanilang mga posts ay pwedeng makasira sa iba. O minsan, may mga taong mas nanaising mapuno ang kanilang mga pinggan, kahit na ang iba ay maubusan.
Itinuturo sa atin ni Hesus ang kahalagahan ng pagiging mapagbigay. Ipinakita Niya ito sa pamamagitan ng pag aalay ng buhav sa Krus para Sa ating kaligtasan. Dahil sa Kanyang pag-aalay ng buhay para sa atin, iniligtas Niya tayo mula sa kasalanan, kasamaan, kamatayan at sa ating pagiging makasarili. Sa Kanyang kamatayan, itinuro sa atin ni Hesus ang halaga ng pag-iisip para sa kapakanan ng iba ang pagiging mapagbigay, maunawain at mapagpatawad. Lagi nating tandaan na "Tayo ay naliligtas sa pamamagitan ng ganap na paghahandog ng pag-ibig ni Hesus para sa kanyang Ama at para sa atin.." (KPK 558)
Mga bata, alalahanin ninyo ang inyong mga magulang, sila ay laging nagbibigay ng kanilang oras, yaman at pag-ibig para sa inyo. Lahat ng mga taong nag-aalaga sa inyo, silang lahat ay nagbibigay ng kanilang sarili para sa inyong kapakanan. Ang inyong mga teachers na laging nagtuturo, umuunawa at nagmamahal sa inyo, sila ay katulad ni Hesus na piniling hind imaging makasarili. Ang inyong mga kaibigan na kasangga at kasama ninyo, sila, katulad n Hesus ay nagmamahal sa inyo. Sila ay mga larawan ni Hesus na laging nagbibigay ng buhay para sa inyong kabutihan.
Ukol sa Muling Pagkabuhay ni Hesus
Mga bata, sa inyong buhay, kagaya ni Hesus ay daraan kayo sa mga pagkakataon ng kadiliman o kamatayan. May mga pagkakataong makakaramdan kayo ng lungkot, kahirapan. pag-iisa pangungulila. May mga pagkakataong makakaramdam kayo na parang tinalikuran o iniwan kayc ng lahat. Ngunit, kung darating man ang mga panahong ito, hindi kayo dapat mawalan ng pag-asa. Si Kristong Muling Nabuhay ang siyang magbibigay muli ng liwanag, saya at pag-asa sa ating buhay. Sapagkat "...hindi lamang umangat si Hesus sa isang maluwalhati at mataas na antas ng buhay, kundi upang maging bukal ng bagong buhay para sa lahat." (KPK 625) Si Hesus ang inyong buhay, saya at pag-asa.
Katulad ni Hesus na bumati ng "Kapayapaan," sana'y maging daan din kayo ng kapayapaan. Huwag maging pala-away. Kung mayroong hindi pagkakasundo, huwag ng maging dahilan upang ang dalawang tao ay mas magalit sa isa't isa. Maging daan kayo upang ang dalawang taong magkaaway ay magkabati muli.
Mga bata, sana ay maging daan at daluyan kayo ng kabutihan para sa iba. Damayan ninyo ang mga kaibigan ninyong nalulungkot. Ibahagi ninyo ang inyong baon o Pagkain sa isang kamag-aral na wala, o sa isang namamalimos sa kalsada, Įwasan ang pagiging masungit mataray. Laging maging palabati, palangiti at palakaibigan. Nang sa gayon, katulad ni Hesus, magiging daan din kayo ng bagong buhay at pag-asa.
PANUTO: JIGSAW PUZZLE
Pamamaraan:
1. Magpakita ng larawan ng:
Krus .
Walang laman na libingan (empty tomb)
Si Hesus na muling nabuhay
2. Bigyan ang mga bata ng 3- 5 minuto upang pagmasdan ang larawan.
3. Tanong:
Ano ang nakikita mo sa larawan
Ano ang ipinakikita nito tungkol kay Hesus?
Ano ang nararamdaman mo habang tinitingnan ito?
Tapusin ang mga pangungusap. Hikayatin ang mga bata na ipaliwanag sa sariling salita ang kabuuang aral ng lesson.
1. Si Hesus ay namatay sa krus dahil ____________.
2. Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay nagpapakita ng ____________.
3. Dahil si Hesus ay tagapagligtas, ako ay dapat ____________.
O hindi kaya ay sa pamamagitan ng:
Word Web
Mula sa listahan sa ibaba, palibutan ang bilog ng mga salitang angkop para sa paksang ito:
"HESUS: TAGAPAGLIGTAS"
Pagmamahal, Pakikipag-away, Kapayapaan, Sakripisyo, Pagiging Magagalitin, Pagpapatawad, Pag-Asa, Pagiging Makasarili, Bagong-Buhay.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Si Hesus ang ating matalik na kaibigan. Lagi Niya tayong sinasamahan dahi Siya ay tapat na kaibigan. At nais din Niyang makipagkaibigan sa ating lahat. Pero nais ni Hesus na maging tapat din tayo sa ating pakikipagkaibigan sa Kanya at sa ating kapwa.
PAGLALAHAT: Ang kamatayan ni Hesus sa krus ay patunay ng Kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama at pagmamahal kung kaya handa Siyang magsakripisyo para sa atin. Ang kanyang pagkabuhay ay simbolo ng pag-asa ng isang bagong simula kahit may paghihirap. At higit sa lahat ang kanyang sakripisyo sa krus ay kapatawaran sa ating mga kasalanan.