Tayo ay Magkakapatid kay Kristo
Panimula: Tinawag tayo ni Hesus hindi lamang bilang Kanyang mga tagasunod kundi bilang Kanyang mga kapatid at bilang isang pamilya ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay, ginawa Niya tayong bahagi ng isang sambayanang nagmamahalan at nagkakaisa sa Diyos.
LAYUNIN:
Aral: Maunawaan na tayong lahat ay magkakapatid kay Kristo bilang mga anak ng Diyos. Maipaliwanag ang kahulugan ng kapatiran sa pananampalatayang Kristiyano.
Asal: Makapagbigay ng konkretong paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at pagkakaisa sa kapwa.
Dasal: Maisabuhay ang pagiging magkakapatid kay Kristo sa araw-araw na pamumuhay.
BALIK-ARAL: Sino si Hesus sa ating buhay bilang Kristiyano? Ano ang ibig sabihin ng pagiging anak ng Diyos? Paano tayo tinatawag ni Hesus bilang Kanyang mga alagad?
PAGBASA: Mateo 23:8-9
8 Ngunit, huwag kayong patawag na ‘guro,’ sapagkat iisa ang inyong Guro at kayong lahat ay magkakapatid. 9 Huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Ama na nasa langit.
PAHAYAG KRISTIYANO:
Mula sa bagong buhay kay Kristo at pagiging kaisa sa kanyang Katawan, ang Simbahan, ang Binyag ang mabisang tanda ng ating pakikibahagi sa banal na buhay Tayo ay nagiging bagong nilalang (2 Cor. 5:17), mga nakikibahagi sa katangiang-banal ng Diyos (2 Ped. 1:4)- hindi basta mga nilikha na lamang kundi mga anak ng Diyos (1 Jn. 3:1), sa pamamagitan ng ANAK, si Jesukristo (Gawa 4:4-7), sa Espiritu Santo, na nananahan sa ating kalooban (1 Cor 6:19). Kaya sinisimulan sa atin ng Binyag ang pakikibahagi sa mismong buhay ng Santatlo (KPK 1615).
Sa pamamagitan ng sakramento ng Binyag, ang mga binyagan dahil sa kanilang muling pagsilang bilang mga anak ng Diyos ay may tungkuling ipamansag sa harap ng mgha tao ang pananampalataya na tinanggap nila sa Diyos sa pamamagitan ng Simbahan at lumahok sa nga gawaing apostoliko at misyon ng Simbahan (LG. 11). Tayo ay nagiging mga ampong anak ng Diyos, at nagiging kapatid natin si Kristo na ating kuya. Sa Simbahan, tayo ay nagiging isang pamilya na ang bawat isa ay magkakatid kay Kristo.
Ginagawa ni Jesus ang pag-ibig na bagong kautusan (n. 13:34). Bilang pag-ibig sa kanya hanggang wakas (Jn. 13:1 ipinakikita niya ang pag-ibig ng ama na tinatanggap niya. Bilang pagmamahal sa lahat, tinutularan ng mga alagad ang pag-ibig ni Jesus na tinatanggap nila. Kaya nga siansabi ni Jesus, "Kung paano akong minamahal ng Aman, minamahal ko rin kayo sa aking pag-ibig" (Jn. 15:9). Sinabi rin: "Ito ang aking Utos: magmahalan sana kayo tulad ng pagmamahal at pag-ibig ko sa inyo." (Jn. 15:21) (KPK 1823). Si Hesus na ating kapatid ay minamahal tayo at patuloy na nagbabahagi ng kanyang pag-ibig sa atin. Kaya bilang magkakapatid na ampong anak ng Diyos, tinatawagan tayo na magmahalan bilang magkakapatid sa loob ng iisang Pamilya ng Diyos, ang Simbahan.
Itinuturo ng Simbahan na:
Tayo ay anak ng Diyos sa pamamagitan ng binyag
Si Hesus ang ating nakakatandang kapatid o ang ating kuya.
Ang Simbahan aynisang pamilyangmga mananampalataya.
Bilang magkakapatid kay Kristo, tayo ay tinatawag na: Magmahalan, magpatawaran, agtulungan, at maglingkod sa nangangailangan kapwa, lalo na sa mahihirap at maglingkod sa kapwa lalo na sa mahihirap at nangangailangan.
PANUTO: Gumuhit ng isang puno at isulat nang masining
Sa mga ugat: si Kristo
Katawan ng puno: ang Simbahan
Sa mga sanga at dahon: tayo na magkakapatid
Pagkatapos ay ipaliwanag kung paano nagkakaugnay- ugnay ang bawat bahagi
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Ang pagkilala na tayo ay magkakapatid kay Kristo ay humuhubog ng: (1) Paggalang sa dignidad ng bawat tao: (2) Pakikiisa at malasakit; (3) Pagkakapantay-pantay; (4) Pamilya ng Diyos; (5) Pakikiisa sa Sambayanang Kristiyano.
PAGLALAHAT: Tavo ay magkakapatid kay Kristo dahil isa ang ating Ama na Diyos at iisa ang ating pananampalataya, Ang tunay na pagiging Kristiyano ay nasusukat sa ating pagmamahal, pagtutulungan, at paggalang sa isa't isa.