Ang Pag-aantanda ng Krus
Panimula: Sa ating tahanan nagmamano tayo humahalik sa ating magulang at sa iba pang nakatatanda sa atin na kailangan nating bigyan ng respeto o paggalang. Tavong mga anak ng Diyos ay mayroong natatanging tanda na di ginagawa o hindi nakikita sa mga ibang relihiyon.
LAYUNIN
Aral: Nakikilala ang Banal na Santatlo/Santissima Trinidad.
Asal: Naisasagawa ng tama at may paggalang ang pag aantanda ng Krus.
Dasal: Nakapagbibigay Papuri sa Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo.
BALIK-ARAL: Imbitahin ang mga bata na magdasal at magsimula sa pag-aantanda ng Krus. Tingnang maigi kung sanay ang lahat ng tamang kilos ng pag-aantanda ng Krus.Pagkatapos ay banggitin ang napuna na hindi lahat ay tama ang kilos sa pag-aantanda ng Krus
PAGBASA: Mateo 28:19
Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
PAHAYAG KRISTIYANO:
KIK 232: "Ang mga Kristiyano ay binabautismuhan 'sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo' (Mateo 28:19). Ang pananampalataya ng lahat ng Kristiyano ay nakasalig sa Trinidad."
KIK 233: "Ang mga Kristiyano ay binabautismuhan sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: hindi sa kanilang mga pangalan, sapagkat iisa lamang ang Diyos, ang makapangyarihang Ama, ang Kanyang bugtong na Anak, at ang Espiritu Santo: ang Banal na Santatlo"
KIK 234: "Ang misteryo ng Banal na Santatlo ay ang sentral na misteryo ng pananampalatayang Kristiyano at ng buhay. Ito ang misteryo ng Diyos sa Kanyang sarili Kaya't ito ang pinagmumulan ng lahat ng iba pang mg misteryo ng pananampalataya, ang liwanag na nagbibigay liwanag sa kanila."
Ang Pag-aantanda ng Krus:
ay ginagawa nating mga Katoliko bilang pagkilala sa Santisima Trinidad: Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo.
ay nararapat na gawin ng may paggalang, tama at maayos. Sa pag-aantanda ng krus, ipinahahayag natin ang ating paniniwala sa ating Panginoong Diyos, sa Kanyang anak na si Hesus at sa Banal na Espiritu
Sa pag-aantanda ng krus, una, itinatapat natin ang mga kanang kamay sa ating ulo habang sinasabi ang: Sa Ngalan ng Ama.
Ang ulo ang pinakamataas na bahagi ng ating katawan, na tulad ng Diyos Ama na siyang dapat na pinaka- mataas sa ating buhay na ating susundin. Sa ating ulc naroroon ang ating isip, ang Diyos Ama ang nagbibigay ng lahat ng karunungan na ating kinakailangan at mga bagay na dapat nating isipin na magbibigay luwalhati at kagalakan sa Kanya.
Sa pagsasabi ng: At ng Anak, ating inilalagay ang ating kanang sa tapat ng ating tiyan. Ito ay nagpapaalala sa bawat isa sa atin na ang ating Panginoon Hesus, ang Diyos Anak ay nagkatawang-tao, Nanatili Siya sa tiyan ng Mahal na Birheng Maria sa loob ng siyam na buwan. Tayo ay nabibilang Sa mga anak ng Diyos Ama na inaasahang susunod at magmamahal sa Kanya.
At sa pagsasabi ng: At ng Espiritu Santo, ang ating kanang kamay ay inilalagay natin sa ating kaliwa at kanang balikat upang ipaalala na tayo ay may mga dalahin sa buhay na ang tanging lakas na kailangan natin ay magmumula sa Espiritu Santo upang ito ay makayanan nating gawin o pasanin sa araw-araw. Ang Espiritu Santo ang magtuturo sa atin ng mga dapat iisipin, sasabihin at gagagawin.
Sila ang tinatawag na Santisima Trinidad, Tatlong Persona sa iisang Diyos. Iisa lamang sila ngunit magkakaiba ng gawin. Katulad ng ating pamilya tayo ay nagkakabuklod at nagkakaisa. Bawat isa ay may gampanin o tungkulin na marapat nating gampanan o gawin.
PANUTO: Gagawin ng bawat bata o mag-aaral ang Pag- aantanda ng Krus. Tingnan kung tama ang posisyon ng bawat bahagi ng katawan na dapat tapatan ng kamay sa kanang kamay habang nag-aantanda ng krus.
Literal na Tanong
1. Ano ang kinikilala ng mga Katoliko kapag nag aantanda ng krus?
2. Saan inilalagay ang kanang kamay kapag sinasabi ang "Sa Ngalan ng Ama'?
Analitikal na Tanong:
1. Bakit iniuugnay ang ulo sa Diyos Ama sa pag-aantanda ng krus?
2. Ano ang kahulugan ng paglalagay ng kamay sa balikat kapag sinasabi ang At ng Espiritu Santo"?
Aplikasyon na Tanong:
1. Paano mo maipapakita ang paggalang kapag ikaw ay nag-aantanda ng krus?
2. Paano ka hihingi ng tulong sa Espiritu Santo kapag may problema kat
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Paggalang Ang Pag-aantanda ng Krus ay isa sa pinakamahalagang tanda ng pananampalatayang Kristiyano. Kapag ito ay ginagawa nang may paggalang, hindi lamang ito simpleng galaw ng kamay kundi isang panalangin at pagpapahayag ng pananampalataya.
PAGLALAHAT: Ang tanda ng Krus ay paalala na ang lahat ng ginagawa ay para Sa Santo Ama, Anak, at Espiritu Ang paggalang ay ang taos-pusong pagkilala sa Kanyang kapangyarihan. Ang maayos at taimtim na pag- aantanda ay tanda ng paninindigan sa pagiging Kristiyano. Sa bawat tanda ng Krus, ipinapakita ang pag-ibig sa Diyos at pasasalamat sa Kanyang sakripisyo. Ang paggalang sa Pag -aantanda ng Krus ay ang taimtim na pagdadasal at pagpapakita ng pananampalataya sa pamamagitan ng isang simpleng kilos na puno ng kahulugan.