Pari Siya
Maraming sinasabi tungkol sa kanya ang mga tao, ngunit tinatanong ba siya kung alin ang totoo?
Tagapakinig siya ng mga problema ng iba ngunit may nagtatanong ba kung siya'y may problema?
Tagapagdala siya ng kapatawaran, ngunit pinapatawad ba siya kung siya ay nagkukulang?
Tagapagpagaling siya ng mga maysakit na kaluluwa, ngunit may nakakaalala ba kapag may sakit siya?
Tagapag-ugnay siya ng tao at Diyos, ngunit bakit pinagdududahan ang kanyang mga kilos?
Tagapag-ingat siya ng mga sikreto ng iba ngunit bakit pinag-uusapan siya sa kanyang parokya?
Tagapaghatid siya ng katatagan at pag-asa, ngunit may aasahan ba siya kapag siya ay tumanda na?
Tagapangaral siya ng aral ng Panginoon, ngunit pinupuri ba siya sa magandang sermon?
Marami pang masasabi tungkol sa kanya, may nakakainis, may nakakasiya ngunit pipilitin pa rin niya ang umunawa at ibigay pa rin ang buhay niya para sa lahat dahil PARI SIYA.