Paghahandog ng Misa
Paghahandog ng Misa
Tanggapin mo, O Banal na Trinidad itong sakripisyo na isinagawa minsan ni Jesus sa Krus at ngayon ay inuulit sa aming altar sa pamamagitan ng pari.
Nakikiisa ako sa mga layunin ni Jesus at inilalaan ko ang sakripisyong ito sa pamamagitan ni Jesus upang sambahin ang iyong walang hanggang kadakilaan, pasalamatan ang iyong kabutihan, ihingi ng tawad ang aking mga kasalanan at humiling ng grasyang kailangan ng iyong lglesya, ng buong sambayanan ng Diyos, ng aking sarili, at ng aking mga minamahal sa buhay. Amen.