Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.
HALIMBAWA:
Kilala si Kuya Kim bilang mahilig tumuklas ng bagay bagay tungkol sa mundo lalo na sa siyensya, Dahil siya ay sikat sa ganoong larangan, pinipili siya upang
magpromote ng mga gamot na 'di pa masyadong sikat sa merkado.
TE’KA LANG!
Kung ang transfer ay ang paggamit ng kasikatan o kredibilidad ng isang tao upang mas pagtibayin o palakasin ang isang tao, produkto, at/o impormasyon, malamang ay maaari ko rin itong gamitin sa paggawa ng pananaliksik!
Kailangan ko lamang maging maingat at suriin nang maigi ang kakayahan, pinanggalingan, at personalidad ng taong nais kong gamitin sa pananaliksik. Halimbawa na lamang sa paggawa ng introduksyon o kaligirang pangkasaysayan, tanging ang mga pahayag ng mga taong may kredibilidad lamang ang maaari kong gamitin upang mas mapagtibay ang aking pag-aaral tulad na lamang ng mga doktor, inhinyero, guro, o iba pang propesyunal sa partikular na larangan kaugnay ng paksang nais kong pag-aralan.
-Paning