Ang name calling ay ang hindi magagandang puna o taguri sa isang tao o bagay.
HALIMBAWA:
Ang pagsisiraan ng mga kandidato kapag eleksyon. Tuwing eleksyon ay nagbibigay ng hindi magagandang puna ang kandidato sa kalaban nila sa pwesto tulad ng kurakot, kukunin lamang ang kaban ng bayan, bagito sa politika, atbp.
AHA!
Ang name calling pala ay paninira sa iba upang mapaganda ang iyong pangalan, posisyon, at/o produkto. Sa palagay mo, magagamit ko kaya ang ganitong paraan ng panghihikayat sa paggawa ng pananaliksik?
Hmmmmm…
Hindi naman siguro kailangan manira ng ibang pananaliksik o mga artikulo para may mga magbasa ng gagawin kong pananaliksik, hindi ba? Ang kailangan kong mas pagtuunan ng pansin ay ang maghanap ng makatotohanang impormasyon na magpapatibay ng aking pag-aaral. Sa ganitong paraan, mas magiging kapani-paniwala ang pananaliksik ko nang hindi ko sinisiraan ang iba nang walang sapat na batayan.
-Paning