Pagsasabi ng maganda sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.
HALIMBAWA:
Lucky Me, Pinapakita rito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.
Nako! Karamihan pala sa mga propaganda device ay hindi maaaring gamitin sa paggawa ng pananaliksik.
Masyadong delikado ang ganitong panghihikayat kung ilalapat sa paggawa ng pananaliksik. Hindi nararapat na tanging magagandang resulta lamang ng mga datos ang ipakikita sa mga mambabasa o mananaliskik. Kailangan ding ilatag kung may hindi magandang kinalabasan ang pangangalap ng mga impormasyon sa mga tagatugon ng pag-aaral. Dapat kung ano ang totoo, doon tayo! Huwag maging bias! Sabi nga sa 24 Oras, dapat walang kinikilingan, pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang!
-Paning