Uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong tao para makuha ang tiwala ng sambayanan. Ito ay kalimitang ginagamit ng mga tumatakbo sa politiko.
HALIMBAWA:
Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap.
WHAT???
Tama ba ako ng pagkakaintindi? Ang plain folks sa madaling salita ay pagpapanggap? Kailangang magpakapayak kahit hindi naman ito ang kasalukuyang kalagayan ng isang tao?
Kung ganoon ay hindi ko pala ito magagamit sa paggawa ng pananaliksik. Ang mga datos na ilalatag ko ay dapat totoo at mapagkakatiwalaan. Higit sa lahat, hindi nagma-manipulate ng mga impormasyon at resulta. Pass na sa manipulative at sad boi…
-Paning