Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo.
HALIMBAWA:
LBC: Lahat ng tao ay rito na nagpapadala.
TGP: Tagapagpagaling ng Pilipinas.
Hay!
Isa pa itong manipulative! Hindi naman porket ginagamit o pinaniniwalaan ng maraming tao ay dapat nang tangkilikin. At hindi rin naman porket konti lang ang gumagamit o naniniwala ay hindi na totoo at epektibo.
Sa gagawin kong pananaliksik, hinding-hindi ko gagamitin ang ganitong panghihikayat. Hindi ako kukuha at gagamit ng mga impormasyon na pinaniniwalaan ng maraming tao kahit walang sapat na batayan at mga suportang datos. Doon ako sa totoo, may ebidensya, at dumaan sa pagsusuri. Pass talaga sa manipulative!
-Paning