Replektibong Sanaysay ni Christian Mark M. Yap
REPLEKTIBONG SANAYSAY
“WHAT HAPPENED TO MONDAY”
Isang kapana-panabik at nakakaantig na pelikula ang “What Happened to Monday”. Ang pelikulang ito ay PG-13 o ang patnubay ng magulang ay kinakailangan, may nilalaman ang pelikulang ito na hindi nararapat sa mga batang 16 years old pababa, mayroon itong madugong eksena, sekswal, kahubaran at iba pa. Ipinakita sa pelikula na unti-unti nang nasisira ang ang mundo dahil sa labis na populasyon o ang tinatawag na genetically modified or ang pagtaas ng bilang sa panganganak ng twins, triplets, etc.
Ito rin ang dahilan kung bakit nilikha nila ang organisasyon na tinawag nilang C.A.B. (Child Allocation Bureau) upang maagapan ang problema sa populasyon. Dahil dito ipinagbabawal ang dalawang anak sa isang pamilya, kung halimbawa nanganak ang isang nanay ng kambal ay agad kukunin ng organisasyon ang pangalwang ipinanganak na sanggol. Walang kawala ang may balak na itago ang mga sumobra ang anak dahil sa advance na ang teknolohiya sa panahong iyon, at kaagad ma tutuklasan kung ikaw ba ay only child o hindi sa pamamagitan ng isang pulseras.
Na mangha ako sa mga karakter na ginampanan ni Noomi Rapace, hindi biro ang gumanap bilang anim na ibat-ibang karakter sa iisang pelikula. Kamanghamangha naman ang Settman siblings, kinaya nilang mabuhay sa sistemang napaka advance kahit pito pa silang identical twins. Sa tulong ng kanilang ama na tinuruan sila sa bawat galaw na kanilang dapat at di dapat gawin upang hindi sila matuklasan ng organisayon, bawat isa sa kanila ay may ibat-ibang kakayahan na kanila ring pinagkadalubhasaan.
Nakita ko ang ko ang kagandanhan ng pagtutulongan nilang magkakapatid, bawat hamon na kanilang hinarap ay silang lahat may sinakripisyo at dun ko rin nakita ang kanilang pagmamahalan bilang magkakapatid, tumatak saakin ang salitang pagmamahal sa bawat eksena ng pelikula, pagmamahal sa kapatid, kapwa, mundo, at kasintahan. Ipinakita rin ang epekto ng pag-ibig sa pelikula, nag iba ang priorities ni Monday nung siya ay may kasintahan na. Kinaya niyang pagtaksilan ang kanyang mga kapatid para ma solo niya ang pangalang Settman at mamuhay ng normal at mapayapa, meron ding halong kalungkutan sa nangyari sa magkakapatid na halos buhay na nila ang kanilang isinakripisyo para sa kapakanan ng kanilang pamilya.
Isang napakagandang pelikula ang “What Happened to Monday” sa eksena at plot twist hindi nagkulang sa mensahe namay napaka talino ng sumulat, ipinakita nila ang mga posibilidad na mangyari saating mundo kung patuloy tayong maging iresponsable sa mga bagay, importanteng maging aware tayo sa mga nangyayari sa paligid. Dapat rin nating iparamdam ang pagmamahal natin sa bawat miyembro ng ating pamilya dahil sila ang pundasyon sa ating buhay.
Replektibong Sanaysay ni Galileon A. Destura
REPLEKTIBONG SANAYSAY
“WHAT HAPPENED TO MONDAY”
Maraming mga tema ang pinakita ng pelikulang “What Happened to Monday”. Isa dito ay problemang hinaharap ng mundo natin ngayon; isang problema na wala pa rin tayong solusyon kundi kalimutan lamang. Madalas hindi binibigyang pansin ng mga internasyonal na pamahalaan at importanteng mga pinuno ang mga malaking problema na hinaharap ng mundo, kung saan binabayaan nila ang mga problemang kailangan nilang lutasin sa mga susunod na henerasyon, dahil hindi naman sila maapekto ng mga problema tulad ng global warming at overpopulation. Bagama’t hindi naman lahat ganito, ang mga taong pumiling maging ignorante sa mga problemang nakakapinsala sa buong mundo’y nabulag sa kanilang kasakiman; mga mababaw na taong pumipili ng perang singdaling mawala sa halip sa kinabukasan ng buong mundo. Takot ako para sa kinabukasan natin bilang mga tao. Ang mundong pinamamahalaan ng mga taong bulag sa kayamuan ay mundong peligroso ang kinabukasan.
Bagama’t ito’y isang replektibong sanaysay, hindi ako makakatiis sa pagtatalakay at sa pag-iisip sa mga nakakamanghang tema ng pelikulang ito. Isa pang tema dito ay ang pagnanais ng tao ng kalayaan. Ang mga buhay ng mga magkapatid ay mapayapa’t maayos kahit na limitado lamang ang kanilang kalayaan. Ngunit, habang tumatanda sila, lumalaki rin ang kanilang pagnanasa ng tunay na kalayaan, hangga’t ang pagnanasa na ito’y hindi na matitiis. Bagama’t hindi makatwiran ang ginawa ni Monday, naiintindihan ko naman kung bakit niya nagawa ito. Ang pagnanais ng kalayaan ay isa sa mga pinakamalaking hangaran ng tao.
Sa panghuling bahagi ng pelikula, may pagsasakatuparan ako. Ang antagonista ng pelikula, si Nicolette Cayman, ay pinapakita bilang masama at buktot. Para sa malaking bahagi, totoo naman. Ngunit, ang tunguhin lamang niya ay ang seguridad sa kinabukasan ng sangkatauhan. Kailangang ma ko-kontrol ang populasyon ng mundo o mapapanganiban ang kanilang kinabukasan. Lalong mahirap ‘yan gawin pag wala kang kamaong bakal. Naalala ko ang isa sa mga pinakasikat na quote ni Thanos galing sa Marvel na, ”The hardest choices require the strongest wills”. Kahit na medyong masama ang pag-kokontrol ng gobyerno sa populasyon ng mundo, kinakailangan nila itong gawin para sa kinabukasan ng kanilang mundo. Napagtanto kong sakripisyo ay talagang kailangan para sa kinabukasan.
Replektibong Sanaysay ni Kezia Anne Dane D. Suralta
REPLEKTIBONG SANAYSAY
“WHAT HAPPENED TO MONDAY”
Ang pelikulang, "What Happened to Monday" ay pinalabas noong taong 2017 at isang dystopian science fiction action na uri ng pelikula. Ang aktres na kumatawan sa bidang karakter sa pelikulang ito ay si Noomi Rapace. Inilarawan ng pelikulang ito ang taong 2073 na kung saan malaki na ang pagbabago ng teknolohiya at dumami lalo ang isyu ng lipunan. Ang isyung nilarawan ng pelikula ay tungkol sa pagdami ng tao sa lipunan o overpopulation na kung saan unti-unting nagkakaroon ng kawalan sa pagkain, kagamitan, at mga likas na yaman. napakaganda ng daloy ng pelikulang ito dahil nailarawan nito ng maayos ang isyung overpopulation at nakaka enganyo ito sa madla sapagkat sinasalamin nito ang mga isyung nangyayari sa ating lipunan sa kasalukuyan.
Sa mga simulang eksena ng pelikula ay ipinapakita na nito ang kalagayan ng mundo sa taong 2073. Ipinaliwanag nito ang stratehiya ng gobyerno na pinangunahan ni Dr. Nicolette Cayman na ipinapapatupad ng batas ang "Child Allocation Act" na kung saan kinakailangang isa lamang ang anak bawat pamilya at dapat pumili ang mga magulang kung sino ang mananatili kasama sila. Sa tulong ng maunlad na teknolohiya sa panahong iyon ay naka imbento sila ng makinang nangangalang cryogenic chamber na makakapagpatulog ng mga ibang kapatid at bubuhayin na lamang sila kapag maayos na ulit ang kalagayan ng lipunan. Ang desisyong ito ng gobyerno ay tiyak na nagpapakahirap sa damdamin ng mga magulang na kung saan ang mga bidang karakter ay magkakapatid na pilit nilalabanan ang hagupit ng sistema na ito.
Sa mga nangyayari ngayon sa kasalukuyan ay hindi maitatangging maaari itong mangyari sa totoong buhay balang araw. Napakarami na ng mga bansang overpopulated at unti-unting nawawalan ng sustento sa pang araw-araw na laban ng buhay. Maraming pamilya at kabataan na nagkakasakit at namamatay dulot ng kawalan ng pangkain. Sa aking pananaw sa statehiya ng gobyerno sa pelikula ay napakasama para sa bawat pamilya. Walang magulang ang gustong pumili kanino sa kanilang mga anak ang mabigyang karapatan na mabuhay dahil ang tunay na pagmamahal ng magulang ay pantay-pantay. Sa totoo lang, malungkot ang kwento sa pelikulang, “What Happened to Monday” dahil ang mga bida ay kinakailangang magtago sa isang pagkatao para lamang mabuhay. Unti-unti silang namatay noong nabunyag ang kanilang sikreto sapagkat ginalit nila ang gobyerno sa kanilang ginawa. Para maiwasan na lumala ang pag-usbong ng populasyon ay sa tingin kong mas makabubuti kung turuan na lamang ang mga tao kung paano kontrolin ang panganganak lalong lalo na laganap na rin ang teenage pregnancy sa buong mundo at kung mayroong mag- asawang gustong magpakarami ay sisiguraduhin ng gobyerno na kaya nila itong buhayin ng maayos. Magtulungan rin tayo sa pagtanim at sa produksyon ng pagkain at hindi aabusohin ang ating kapaligiran at mga likas na yaman.