Buod ni Kezia Anne Dane D. Suralta
"The terrorist inside my husband’s brain"
Ninanais ng manunulat na makakatulong ang karanasan ng kanyang asawa sa pagtuklas ng lunas para sa mga karamdaman sa kalusugang pangkaisipan. Dulot ng pagdudusa sa Lewy Body Disease (LBD) ay tinapos ng kanyang asawa, nangangalang Robin, ang kanyang buhay noong ika- 11 ng Agosto taong 2014 matapos sinalakay ng neurologic disease na ito.
Nagpaparamdam ang sakit na ito sa kahit anong oras. Mabilis at patuloy na pagtaas ng takot at pagkakabalisa ay nagpapahiwatig ng sintomas ng LBD. Ayon sa doctor, mayroong mataas na konsentrasyon ng LBD ang naroon kay Robin na naging sanhi ng pagkakaroon niya ng matinding pagkakabahala, takot, pag-aalala at mga hindi pangkaraniwan na mga emosyon sa mga bagay-bagay. Nagkakaroon siya ng mga panic attacks dahil sa maling paggamit ng mga gamot. Natuklasan ng manunulat na ang mga anti-psychotic na gamot ay nagpapalala sa karamdaman ng mga taong mayroong LBD kaya si Robin ay naging sensitibo sa mga gamot.
Isang brain scan ang isinagawa kay Robin, naghahanap ng posibilidad na baka ay mayroong tumor sa kanyang pituitary gland at inulit ang paghahanap ng karamdaman sa kanyang puso. Naging negatibo ang resulta ng lahat, maliban sa pagiging mataas ang kanyang cortisol. Ngunit hindi pa rin napanatag ang mag-asawa. Noong ika-28 ng Mayo, nasuri si Robin na mayroon siyang Parkinson’s disease (PD). Mayroong kasaysayan si Robin ng depresyon ngunit hindi na ito aktibo ng anim na taon. Nang nagpakita siya ng mga senyales ng kawalan ng pag-asa sa buhay, tiningnan nila ito bilang isang indikasyon na nauugnay sa PD.
Hindi nakakasigurado ang manunulat sa mga impormasyong kanyang natanggap ukol sa karamdaman ng kanyang asawa sapagkat ay siya ay naging isang kilalang test subject para sa mga bagong gamot at medikal na eksperimento. Dahil dito, labis na napinsala ang mga neurons at neurotransmitters kaya nagkakaroon siya ng chemical warfare sa kanyang utak.
Pagkatapos ng ilang buwan, sa wakas ay naging tiyak na ang pagsusuri ng sakit ni Robin. Clinically ay siya ay mayroong Parkinson’s disease, ngunit pathologically ay nagkaroon siya ng diffuse LBD. Ang nangingibabaw na sintomas ni Robin ay hindi pisikal. Gayunpaman, tatlong buwan pagkatapos ang pagkamatay ng kanyang asawa ay nalaman niya na ang ikamatay nito ay dahil sa diffuse LBD pagkatapos suriin ng mga doctor ang kanyang mga datos na nagpapakita ng mga pinagsama-samang pathologies.
Kahit sinikap ng mag-asawa na maging masaya at matatag sa pagpapatuloy sa pakikipag-laban mula sa sakit na ito, sa paglala ng sintomas at kawalan ng kaalaman sa lunas ay tiyak na hindi pa rin sila magtatagumpay sa laban. Pagkatapos namatay ang kanyang asawa, nagsumikap siyang tumulong sa mga taong mayroong parehong karamdaman para hindi masayang ang pagkamatay at karanasan ni Robin at magbigay ng dagdag na impormasyon ukol sa mga sakit na ito na ang layunin ay para makahanap ng lunas.
Buod ni Christian Mark M. Yap
"The terrorist inside my husband’s brain"
Ito ay nakakalungkot na trahedya at nakakasakit ng damdamin na kwento, at sapamamagitan ng pagbahagi nito ay umaasa ang manunulat na makatutulong ito na mapabago ang buhay ng iba.
Ang aking asawang si Robin Williams ay nagpakamatay noong 2014 dahil sa isang sakit na hindi gaanong kilala ngunit ito ay malubhang nakakamtay, ang sakit na ito ay tinawag na Lewy Body Disease (LBD) ito ay isang neurologic disease. Hindi siya nag-iisa sa traumatikong karanasan, dahil may 1.5 milyong katao na nakararanas sa sakit na ito.
3 buwan ang lumipas ng kanyang pagkamatay ay duon ko pa lang nalaman na LBD ang dahilan kung bakit niya tinapos ang kanyang buhay. 4 na doctor ang sumuri sa records ni Robin at ipinahiwatig nila na siya ay may pinaka malubhang pathologies na kanilang nakita. Siya ay may natalang 40% loss of dopamine neurons at halos wala ng neurons na hindi apektado ng Lewy bodies sa kanyang utak.
Hindi lang asawa ang nawala saakin, nawalan rin ako ng matalik na kaibigan. Mahal namin ang isa’t-isa at ang ang pagmamahalang ito ay lumago ng lumago araw-araw sa luob ng 7 taon.
Oktubre ng 2013, pangalawang anibersayo ng aming kasal. Si Robin ay nasa pangangalaga ng kanyang doctor, iba-iba na ang kanyang nararamdaman at nakakaapekto na ito sa kanyang kaginhawaan. Isa na dito ang slight tremor ng kanyang kaliwang kamay ng paulit-ulit na nawawala at bumabalik.
Isang araw, sa tagal ko ng katabi ang aking asawa na si Robin ay kabisado ko na ang kanyang kilos. At alam kung hindi siya komportable na umabot na sa isang punto na itoy nakakaalarma nan at ako ay nagtaka kung may hypochondriac ba ang aking asawa. Pagkatapos ng pag iwan ni Robin saakin ay dun ko palang nalaman na ang takot at anxiety ay maagang indikasyon na pala ng LBD.
Noong unang bahagi ng Mayo, natapos ang pelikulang aming pinanuod at umuwi siya mula sa Vancouver. Pero mula sa kinatatayuan ko, Nakita ko ang pinakamatapang na tao sa buong mundo na gumanap ng pinakamahirap na papel sa kanyang buhay.
Noong ika-28 ng Mayo, na diagnose siyang may Parkinson disease (PD). Noong kami ay nasa opisina ng mga neurologist at alam kung ano ang ibig sabihin nito, dahil nagakaroon ng pagkakataon si Robin na magtanong kung ano ba ito.
Ipinagpatuloy ni Robin ang kanyang laban sa paggawa ng lahat ng physical therapy, pagbibisiketa at pag-eehersisyo.
Ngunit dumating din sa punto na si Robin ay napagod na. nagsimula siyang magkaroon ng problema sa kanyang visual na kakayahan, para bang nalulunod na siya sa mga sintomas niya, sa buong takbo ng laban ni Robin, naranasan niya ang halos 40 na sintomas ng LBD, maliban sa hallucinations.
Lumipas ang isang taon ng kanyang pagkawala, sa pakikipag-usap ko sa isa sa kanyang mga doctor, base sa kanyang mga record ay maliwanag na malamang mayroon siyang guni-guni ngunit itinago iyon sa kanayang sarili.
Lunes, Agosto 11, wala na si Robin. Ang oras ay hindi na kailanman gumana ng pereho nung siya ay Nawala.
3 buwan ang nakalipas, sa wakas ay hand ana ang ulat ng autopsy para sa pagsusuri. Ang katotohanan lamang na ang isang bagay ay sumalakay sa halos bawat rehiyon ng kanyang utak nan agung ganap na kahulugan sa akin.
Sa sumonod na taon, nagtakda akong palawakin ang aking pananaw at pagunawa sa LBD, nagpakita ako sa medical professional na nag repaso kay Robin sa luob ng 2 taon ng medical record. Ang kanilang mga reaksyon ay pareho, si Robin ay isa sa maypinakamalubhang LBD pathologies na kanilang nakita.
Makalipas ang mga araw ay lubos ko ng naintindihan ang sakit na nagpahirap sa aking asawa at itoy aking tinanggap ngunit hindi na pareho ang takbo ng aking buhay.
Buod ni Galileon A. Destura
"The terrorist inside my husband’s brain"
Si Robin Williams, asawa ng may-akda, ay may sakit na Lewy body disease. Ang sakit nato’y nagdulot ng trahedya, ang kanyang pagpapakamatay, sa taong 2014. Sa pagkalipas pa lamang ng apat na buwan nalaman ng may-akda na mayroon siyang Lewy body disease. Si Robin ang asawa, pinakamatalik na kaibigan, at ang tunay na pag-ibig ng may-akda. Madalas silang nagkukuwentuhan sa isa’t isa sa mga pangyayari sa kanilang araw at sa kanilang mga damdamin at insecurity. Nang nagsimulang nagpakita ang mga sintomas ng sakit ni Robin, ang pag-ibig ng dalawa ang sumusuporta sa kanila.
Bago pa siyang na-diagnose, nararanasan niya ang pagtitibi, hirap sa pag-iihi, heartburn, insomnia, mahinang pang-aamoy, at maliit na panginginig sa kaliwang kamay niya. Ngunit lumala’t lumala ang mga sintomas ni Robin. Nararanasan niyang mag panic attack, paranoia, mataas na lebel ng cortisol, malalang anxiety, mahinang memorya, at depresyon. Ang madalasang kuwentuhan ni Robin at ng may-akda tungkol sa kanilang araw ay naging puno na ng anxiety at pag-alala. Hindi alam ni Robin kung bakit siya naghihirap; hiling sana ng may-akda na alam sana niya na ito’y dahil sa kanyang sakit, hindi dahil sa kahinaan sa kanyang sigla’t kalooban. Sa Abril, nagkaroon siya ng panic attack habang ginagawa ang pelikulang Night at the Museum 3. Binigyan siya ng mga gamot antipsychotic, na nagpapasama pala sa mga taong may Lewy body disease.
Hinahadlang ng mga sintomas niya ang kanyang karera bilang isang artista. Nahihirapan siyang alalanin ang kanyang mga linya. Nabigo siya sa kanyang sarili at lalo siyang naging insecure. Hindi na nakakatulong sa kanya ang mga salita ng asawa niya sa malalim na insecurity niya. Pakiramdam niyang nawawala na ang kanyang tamang pag-iisip sa kanyang sakit, at walang gaanong pagmamahal o talino ang makakatigil nito. Normal naman ang mga resulta niya sa mga medikal na pagsusuri, bukod lamang sa kanyang mataas na lebel ng cortisol.
Sa ika-28 ng Mayo, na-diagnose siya ng Parkinson’s Disease. Ngunit, hindi ito pinaniwalaan ni Robin. Ginawa ni Robin at ng may-akda ang lahat upang mapanatili ang kanyang kalusugan; yoga, biking, meditation, at iba pa. Binago pa ang kanyang gamut. Ngunit, lumala’t lumala parin ang kanyang mga sintomas. Lumala ito hangga’t kinuha niya ang sarili niyang buhay pagkatapos ng isang wikend kasama ang kanyang asawa. Tatlong buwan pagkatapos niyang pumanaw, sinabi ng mga doktor na may Lewy body disease si Robin, at ito ang isa sa pinakamalalang kaso ng Lewy body syndrome na nakita nila.
SInaliksik ng may-akda ang Lewy body disease, isang sakit kung saan may hindi natural na presensya ng Lewy bodies sa mga neuron ng utak. Natuklasan niya ang American Brain Foundation, kung saan siya ay parte na ngayon sa Board of Directors. Umaasa siyang maging inspirasyon ang paghihirap ni Robin sa atin.