Ang mga nakasulat na akademikong sulatin na pinag-isa sa portfolio na ito ay orihinal at hindi galing sa ibang manunulat o manggagawa. Dahil nga ito ay naglalaman ng mga iba't ibang akademikong sulatin ay makakapag-bigay ito ng kaalaman at gabay sa mga mambabasa tungkol sa mga akademikong sulatin sa larangan ng Filipino. Bukod sa naitalakay ito ng mga guro, tiyak na kakailanganin pa rin ito ng sipag, tiyaga, at pagkamalikhain ng mga manunulat.
Hindi ito madaling gawin sapagkat kinakailangang may alam ka sa wastong pamaraan sa pagsulat ng mga ito. Ang portfolio na ito ay bunga ng pagsisikap ng bawat miyembro mula sa kanilang mga natutunan sa kanilang asignaturang Filipino.