Ang kundiman ay isang tradisyunal na awit ng pag-ibig na malalim na nakaugat sa kulturang Pilipino. Kilala ito sa malumanay, malungkuti ngunit napaka-damdaming himig na nagpapahayag ng tunay at wagas na pagmamahal. Hindi lamang simpleng awitin ang kundiman; ito ay isang sining na nagpapakita ng tapat na damdamin, pagnanais, at pag-asa ng isang taong umiibig.
Noong unang panahon, ang harana ang isa sa pinakakaraniwang paraan ng panliligaw ng mga binata. Sa ilalim ng buwan o sa tapat ng bahay ng dalagang sinisinta, umaawit sila ng kundiman bilang pagpapakita ng kanilang taos-pusong damdamin. Ang bawat liriko ay punô ng pag-ibig, paghanga, at pangarap, at ang bawat himig ay nagpapadama ng paggalang at tapat na intensiyon ng nanliligaw.
Sa ganitong tradisyon, hindi lamang pagpapahayag ng pag-ibig ang nagaganap, kundi nabubuo rin ang isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng puso ng binata at ng dalaga. Ang kundiman ay nagsisilbing tulay upang maiparating ang damdamin nang may kababaang-loob at paggalang. Hanggang ngayon, kinikilala ang kundiman bilang isang makabuluhang bahagi ng kulturang Pilipino—isang awiting nagtataglay ng kasaysayan, damdamin, at kagandahang hindi kumukupas.
Halimbawa:
Manang Biday ng ilokano
Manang Biday, ilukatmo man
Ta bintana ikalumbaban
Ta kitaem 'toy kinayawan
Ay, matayakon no dinak kaasian
Siasinnoka nga aglabaslabas
Ditoy hardinko pagay-ayamak
Ammom ngarud a balasangak
Sabong ni lirio, di pay nagukrad
Denggem, ading, ta bilinenka
Ta inkanto 'diay sadi daya
Agalakanto't bunga't mangga
Len lansones pay, adu a kita
No nababa, dimo gaw-aten
No nangato, dika sukdalen
No naregreg, dika piduten
Ngem labaslabasamto met laeng
Daytoy paniok no maregregko
Ti makapidut isublinanto
Ta nagmarka iti naganko
Nabordaan pay ti sinanpuso
Alaen dayta kutsilio
Ta abriem 'toy barukongko
Tapno maipapasmo ti guram
Kaniak ken sentimiento