MGA DAPAT TANDAAN PATUNGKOL SA
ISKOLAR NG BAYAN NG BINANGONAN PROGRAM
Ang Iskolar ng Bayan ng Binangonan program ay isang proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Binangonan sa pakikipagtulungan sa Land Bank of the Philippines.
Ito ay nagkakaisang proyekto ng Public Employment Service Office (PESO) Binangonan at ng Municipal Treasury Department na nagbibigay ng mga cash cards para sa ating mga scholars kaysa sa pumunta sila sa mga bangko para sa payout. Isa itong cashless, contactless service na hassle-free para sa mga mag-aaral gayundin sa mga magulang.
Para sa karagdarang impormasyon patungkol sa scholarship program, maaari kayong makipag-ugnayan sa Public Employment Service Office (PESO) Binangonan sa pamamagitan ng kanilang Official Facebook Page sa baba.