MGA DAPAT TANDAAN PATUNGKOL SA BINANGONAN CARE CARD
MAG-REGISTER ONLINE!!!
Sundin lamang ang mga sumusunod na steps
Bisitahin ang aming Official Website na
www.binangonancarecard.com/register
I-Fillout o sagutin ang mga kinakailangang impormasyon, tiyakin na tama at totoo ang impormasyong inyong ilalagay.
Kapag kumpleto na ang mga impormasyon i-click ang submit button.
Ngayon, kopyahin at tiyaking tama ang reference number na ibibigay sa inyo ng system.
Pumunta sa Binangonan Care Card Booth sa Municipal Hall ng Binangonan, na may dala ring dalawang (2) kopya/photo copy ng Valid ID.
Bayaran ang Halaga na P220.00 at tiyakin na makuhanan kayo ng mga sumusunod: Photo Capture, Digital Signature, at Biometric.
Maghintay ng tawag o text para ma-claim ang inyong Binangonan Care Card.
Listahan ng mga Valid ID's na tinatanggap sa pagkuha ng Binangonan Care Card.
Magdala ng isa (1) sa mga sumusunod na Primary Valid ID.
*Philippine Passport ID, *Driver's License, *SSS UMID ID, *GSIS eCard, *PRC ID, *IBP ID, *OWWA ID, *Diplomat ID, *OFW ID, *Senior Citizen ID, *Voter's ID, *GOCC & Gov't Office ID
o kaya ay dalawa (2) ng alinman sa mga sumusunod na Secondary Valid ID:
*NBI Clearance, *Police Clearance, *Barangay Clearance, *Cedula (CTC), *Voter's Identification (VR), *Gov't Service Record, *Schoold ID (Present), *School Form 137, *Land Title, *PSA marriage certificate, *PSA Birth Certificate, *Seaman's Book, *Old Postal ID, *Philhealth ID, *PWD ID, *TIN Card, *Firearm's License Card, PLRA Company ID, Alumni ID
Tandaan: Kung ang inyong Primary ID ay walang address na nakasulat, pakisuyong magdala ng isa sa mga binanggit na Secondary Valid ID sa taas na may address.
MGA KARANIWANG TANONG (FAQs):
PARA SAAN ANG BINANGONAN CARE CARD?
Patunay ito na kayo ay isang Residente ng Binangonan.
Kasama rin dito ang Accidental Death / Accidental Dismemberment Insurance na P10,000 mula sa BenLife.
May Discount kayo sa Generika kapag bumili kayo ng Generic na gamot, 5% sa kapag P300 pesos at 10% naman kapag P500 pesos pataas.
Kung magpapa-laboratory kayo sa PAG-ASA Hospital mayroon kayong discount na 20%-30%, kasama rin dito ang panganganak ng Normal at Cesarean Package.
Kung bibili kayo sa Jollibee sa Binangonan na halagang P250 pesos, mayroon kayong libreng Peach Mango Pie o Regular Fries sa bawat transaction.
Ang Card na makukuha ninyo ay ATM Card na mula sa Binangonan Rural Bank.
MAY EXPIRATION PO BA ANG BINANGONAN CARE CARD?
Bawat Taon, kailangan i-renew ng P50 ang Insurance.
Bawat 3 taon naman kailangan i-renew ang Card.
Kung may laman po ang inyong Care Card i-tratransfer lang po ito sa bagong Card na ibibigay sa inyo.
MAGKANO PO ANG RENEWAL NG CARD?
P220 pesos at maaaring mabago kung magkaroon ng mga adjustment.
PARA SAAN PO ANG ERX, DENGUE COVERAGE, ACCIDENTAL REIMBURSEMENT, AT FAMILY HEALTH CARD?
ERX - Emergency Room Expense, ito ay binayabaran ng P330 pesos bawat taon, Kung ang nag-avail nito ay dalhin sa Emergency Room, mayroon siyang makukuhang reimbursement hanggang P5,000 pesos.
Dengue Coverage - Ito ay binabayaran ng P330 pesos bawat taon, Kung ang nag-avail nito ay magkaroon ng gastuhin na related sa Dengue maaari niya itong i-reimburse hanggang P5,000 pesos.
Accidental Reimbursement - Ito ay binayabaran ng P330 pesos bawat taon, ang nag-avail nito ay maaari mag pa reimburse ng nagastos niya hanggang P5,000 pesos kung siya ay masangkot sa isang aksidente.
Family Health Card - Ito ay may halaga na 1,499, ang card holder at 2 miyembro ng pamilya niya ay magkakaroon ng unlimited consultation sa mga FAMILY DOC CLINIC nationwide.
*SAAN PO ANG FAMILY DOC CLINIC?
Sa ngayon ang pinakamalapit sa atin ay matatagpuan malapit sa Munisipyo ng Angono, malapit sa Lumang Munisipyo ng Taytay.