MGA DAPAT TANDAAN PATUNGKOL SA BINANGONAN E-PALENGKE
Ang Binangonan ePalengke ay binuo upang makapagbigay ng serbisyo sa ating mga kababayan na nananatili sa kanilang mga tahanan at walang mautusan upang pumunta sa palengke at bumili ng kanilang mga pangangailangan.
Ang majority ng aming mga produkto ay mula rin sa Pamilihang Bayan ng Binangonan sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Bayan ng Binangonan, Rizal.
Bukas ang serbisyong ito simula alas-siete ng umaga (7:00AM) hanggang alas-tres ng hapon (3:00PM) mula LUNES HANGGANG SABADO.
Pumunta lamang sa Official Facebook Page natin sa:
https://www.facebook.com/BinangonanEPalengke
Kung kayo man ay nagpadala ng mensahe labas sa mga oras at araw na nabanggit sa taas, at walang sumagot sa inyo, ito ay sa kadahilanang SARADO ANG BINANGONAN E-PALENGKE sa mga panahon na iyon.
Mangyaring magpadala lamang po ng mensahe sa ating Official Facebook Page at tutulungan kayo ng ating Chat Support Team.
Ihanda ang mga impormasyon na hihingin ng ating Chat Support Team upang maisaayos ang inyong mga orders na ipapamalengke ng ating mga palengkero. Dadalhin ito kinabukasan ng ating mga riders sa address na ibibigay sa inyo.
Mayroong MATRIX NG DELIVERY CHARGES gayundin ang PRICELIST ng mga produkto na naka-pinned post sa ating Official Facebook Page.
Kung wala man sa PRICELIST ang produkto na kailangan ninyo, mangyaring ipaalam ito sa ating Chat Support Team at kami na ang bahala sa inyo.
Maaari kayong umorder ng baka, baboy, manok, isda, gulay, prutas, groceries, at Samgyupsal Set. Mayroon na rin kaming small hardware items (mga hardware items na kayang ilagay sa backpack), mga dry goods na kailangan sa bahay (tulad ng tabo, timba, walis, baso, pitsel, etc.), at gayundin ang mga over-the-counter medicines (mga gamot na hindi na kailangan ng reseta) na maaari rin ninyong isama sa inyong order requests.
SARADO PO KAMI TUWING LINGGO.
Ito ay upang kami ay makadalo sa mga pagdiriwang namin sa aming mga simbahan.
Mahalaga ito sa aming mga buhay upang mapanatili ang aming relasyon sa Diyos na sentro ng aming mga buhay.
Ang Binangonan E-Palengke Administrative Team ay binubuo ng mga boluntaryong indibidwal na ang gusto lamang ay makatulong sa ating mga kababayan.
Amin lamang pong hinihingi ang inyong kaunting pang-unawa at paumanhin upang maiwasan ang anomang salitang may panglalait, insulto, o di kaya'y paggamit ng salitang di kaayaaya sa ating Chat Support Team at sa ating mga riders.
Manatili sana tayong ligtas at payapa sa panahon na ito ng pandemiya.
Bukas ang Binangonan E-Palengke upang maglingkod sa inyo.
Maraming salamat po.
BINANGONAN E-PALENGKE ADMINISTRATIVE TEAM