MGA DAPAT TANDAAN PATUNGKOL SA BINANGONAN E-BOTIKA
Ang Binangonan E-Botika ay tumatanggap ng medicine requests simula alas-otso ng umaga (8:00AM) hanggang alas-dose ng tanghali (12:00PM) mula LUNES hanggang HUWEBES. Kung kayo ay nagpadala ng mensahe labas sa mga oras at araw na nakasaad, at walang sumasagot sa inyo, ito ay sa kadahilanang SARADO ang Binangonan E-Botika sa mga panahon na iyon.
Pumunta lamang sa ating Official Facebook Page sa
https://www.facebook.com/BinangonanEBotika
at magpadala ng mensahe.
Ang delivery ng mga gamot ay simula MARTES hanggang BIYERNES. Ang mga gamot ay libre at libre rin ang delivery. Mangyaring hintayin lamang ang pagdating ng mga volunteer riders natin. Kung sila may ay naantala, ito ay maaaring dahil sa lagay ng panahon o kaya naman ay sa dami ng mga medicine requests for deliveries.
Ang mga gamot na nanggagaling sa Binangonan Municipal Pharmacy ay hinahati-hati sa apatnapung (40) Barangay sa buong Binangonan kasama na rito ang Talim Island, kung kaya't ang gamot na maibibigay natin sa ating mga kababayan ay magbabase sa supply na mayroon sa ating Pharmacy.
MAHALAGA ANG RESETA. Kung kayo ay may updated na reseta, mangyaring ipakita ito sa ating Chat Support Team at ipapa-verify ito sa ating Municipal Pharmacy. Kung kayo ay walang updated na reseta, mangyaring makipagugnayan sa inyong doktor o kaya naman ay sa ating Municipal Health Office upang macheck-up kayo at malaman ang nararapat at naaayon na gamot para sa inyong kalagayan.
Alinsunod sa Republic Act 6675 o ang mas kilala sa tawag na Generics Act of 1998, ang mga gamot na ibinibigay ng ating Municipal Pharmacy ay mga generic at hindi ang mga branded na gamot.*
*Republic Act No. 6675 Sec. 6. Who shall use generic Terminology. - (a) All government agencies and their personnel as well as other government agencies shall use generic terminology or generic names in all transactions related to purchasing, prescribing, dispensing and administering of all drugs and medicines.
Prayoridad ng aming team ang mga kababayan natin na WALANG KAPASIDAD AT KAKAYAHANG MAKABILI NG GAMOT PARA SA KANILANG KALAGAYAN, LALONG LALO NA ANG MATAGAL NANG PUMIPILA AT HUMIHINGI NG GAMOT SA ATING PHARMACY, kung kaya't minarapat na buuin ang proyektong ito sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan, Rizal, sa pamumuno ni Mayor Cesar M. Ynares at sa paggabay at pagkalinga ng ating Municipal Administrator Russel Callanta Ynares.
Mangyaring magpakita ng valid ID sa ating Chat Support Team na nagsasabing kayo ay taga-Binangonan. Kung walang valid ID, sapat na ang Barangay ID o kaya naman ay ang Barangay Certification na nagsasabing kayo ay residente ng Binangonan. Ang serbisyo pong ito ay libre para sa ating mga kababayan.
SARADO PO KAMI KAPAG SABADO AT LINGGO. Wala po kaming tinatanggap na medicine requests o deliveries sa mga araw na iyon. Ito ay upang magkaroon din kami ng panahon at pagkakataon para sa aming relasyon sa Diyos.
Amin lamang pong hinihingi ang inyong kaunting pang-unawa at paumanhin upang maiwasan ang anomang salitang may panglalait, insulto, o di kaya'y paggamit ng salitang di kaayaaya sa ating Chat Support Team at sa ating mga Riders. Ang bumubuo ng Administrative Team ng Binangonan E-Botika ay mga boluntaryo po. Nais lamang nilang tumulong sa ating mga kababayan sa panahon na ito ng pandemiya.
Maraming salamat po at manatili sana tayong ligtas sa panahon na ito.
BINANGONAN E-BOTIKA ADMINISTRATIVE TEAM