Sa aming patuloy na pagkilala sa lubusang kahalagahan ng kaligtasan, kalusugan at kaginhawahan para sa ating mga kababayan, gayundin sa pagtupad sa minimum standard health protocol ng ating gobyerno, ang Pamahalaang Bayan ng Binangonan, Rizal ay nagsasagawa na ng mga sumusunod na serbisyo sa pamamagitan ng paggamit ng Internet:
Binangonan E-Payment and Assessment System ng inyong mga Real Property Taxes
Binangonan E-Palengke, isang Online Grocery at Delivery Services
Binangonan E-Botika, isang Online Botika na naghahandog ng libreng delivery ng mga gamot
Binangonan Care Card, ang Constituency Card para sa ating mga kababayan
at ang Iskolar ng Bayan ng Binangonan, isang cash card scholarship program na contactless at hassle-free para sa mga mag-aaral
Sa pakikipagtulungan ng mga Volunteers sa ating komunidad, ang aming prayoridad at utos na gaganapin ay ang makapaglingkod sa inyo na naglalayon ng isang maunlad na ekonomiya at may diwa ng maipagmamalaking bayan, ang ating Munisipalidad ng Binangonan.
BINANGONAN E-PAYMENT & ASSESSMENT SYSTEM (RPT)
Ang Binangonan E-Payment & Assessment System (BePA) ay nagbibigay serbisyo sa assessment ng inyong mga Real Property Taxes gayundin para sa Online Payment nito sa pakikipag-ugnayan ng Land Bank of the Philippines
BINANGONAN E-PALENGKE (ONLINE DELIVERY SERVICE)
Ang Binangonan E-Palengke ay isang Online Delivery Service na naghahandog ng mga produkto mula sa ating Pamilihang Bayan at ng iba pang mga pangunahing pangangailangan para sa ating mga kababayan. Ang serbisyong ito ay sa pakikipagtulungan ng Pamilihang Bayan ng Binangonan
BINANGONAN E-BOTIKA (LIBRENG DELIVERY NG LIBRENG GAMOT)
Ang Binangonan E-Botika ay isang Online Platform na naghahandog ng libreng delivery kinabukasan ng mga libreng gamot para sa ating mga Senior Citizens, mga may kapansanan, at mga walang kapasidad makabili ng gamot. Ito'y sa pakikipagtulungan ng Binangonan Municipal Pharmacy
BINANGONAN CARE CARD (CONSTITUENCY CARD)
Ang Binangonan Care Card ang nagsisilbing Constituency Card ng mga kababayan natin sa Binangonan. Nagbibigay ito ng benepisyo patungkol sa hospitalization, gamot, at iba pang mga libreng mga items sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang mga institusyon