Ang tsunami (o seismic sea wave) ay serye ng malalaking alon sa karagatan patungo sa dalampasigan o kalupaan. Ito ay kumikilos nang napakabilis at mapaminsalang humamhampas sa lupa dala ang matataas na mga alon.
Ang salitang tsunami ay nagmula sa dalawang salitang Hapones na tsu at nami na ang ibig sabihin ay ‘harbor waves’ o mga alon sa dalampasigan. Karamihan sa mga tsunami na tumama sa bansa ay nagmula sa Philippine Trench, Manila Trench at ang Cotabato Trench. May anim na lugar sa bansa na itinuring bilang tsunami-prone o malapit sa panganib ng tsunami na tinukoy ng PHIVOLCS (tingnan sa mapa).
Nagkakaroon ng tsunami kapag may malaking pagkilos ng tubig, dulot halimbawa ng paglindol, pagsabog ng bulkan, pagguho ng malaking tipak ng lupa o yelo sa dagat, pagtama ng bulalakaw sa karagatan, at pagsabog sa dagat (gaya ng nuclear or atomic bomb testing).
Bukod sa pagiging isang bansang agrikultural, ang ekonomiya ng Pilipinas ay umaasa rin sa saganang yamang-dagat nito. Ang aktibong industriyang maritima ay nagbunga ng pagdami ng mga Pilipinong nagnanais manirahan sa tabing-dagat sa kabila ng mga nakaambang panganib dito. Isa sa panganib ang pagkakaroon ng mga tsunami.
Isa sa mga pinakamapaminsalang tsunami na tumama sa bansa ay naitala noong Agosto 16, 1976 sa Golpo ng Moro. Ito ay dulot ng pagyanig ng 7.9 magnitude na lindol na kumitil sa buhay ng tinatayang 5,000 – 8,000 katao.
Dahil sa pinsalang idinulot ng tsunami, nagkaroon ng risk analysis platform at tsunami awareness day para magbigay kaalaman sa mga mamamayan. Panoorin ang bidyo kung paano nga ba nagdudulot ng pinsala ang isang tsunami.
Panoorin ang bidyo kung ano ang mga pahiwatag na may tsunaming paparating sa inyong lokasyon.
MGA URI NG KALAMIDAD