Kapag umuulan nang malakas, lalo na at ito ay nagtagal, madalas ay nagkakaroon ng baha. Sa Pilipinas, madalas itong nangyayari sa maraming lugar kahit bahagya lamang umulan. Ang baha o pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa lupa bunga halimbawa ng pagtaas ng tubig sa mga ilog, sapa, lawa, o karagatan.
Ang malalakas na buhos ng ulan (thunderstorm) ay nagdudulot ng pagbaha. Ang bahang dala ng Bagyong Ondoy noong Setyembre 2009 ay nagpalubog sa Kamaynilaan at ilang bahagi ng Luzon. Matinding naapektuhan nito ang mga lalawigan ng Rizal, at ang Marikina at Pasig sa Kalakhang Maynila.
Panoorin ang sitwasyon ng Pilipinas kapag nakakaranas ng baha. Pagkatapos panoorin ang bidyo, sagutin ang google form tungkol sa baha.
Panoorin ang bidyo para maging handa sa mga bagyo at darating na baha sa inyong lokasyon. Tandaan na ang baha ay kaakibat ng bagyo.
MGA LIKAS NA KALAMIDAD