Kapag naging abnormal ang pagtaas ng tubig dagat dulot ng low pressure weather system tulad ng cyclones (tropical man o extratropical), nagaganap ang tinatawag na storm surge o dalúyong-bagyo. Ang halimbawa nito ay ang storm surge na resulta ng malakas na bagyong Yolanda.
Ang storm tide naman ay ang pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat dahil sa pinagsamang storm surge at astronomical tide. Ang astronomical tide ay pagbabago sa lebel ng tubig dagat bunga ng gravitational pull ng araw at buwan. Ang storm surge at storm tide ay kapwa makapagdudulot ng matinding pagbaha sa mga babaybayin at kalapit na lugar.
lsa pa sa mga mapanganib na sakunang nararanasan ng mga naninirahan sa tabing-dagat ang storm surge o ang mataas na paghampas at pag-apaw ng tubig sa dagat. Kapag may storm surge, tumataas ang lebel ng tubig sa dagat. Nagdadala ito ng malakas na hangin na siyang tumutulak sa tubig patungo sa baybayin na maaaring magdulot ng matinding pagbaha. Ito ay labis na mapanganib sa mga naninirahan sa mga rehiyong nasa tabing-dagat. Ipinakikita sa larawan sa itaas na ang isang storm surge ay maaaring umabot sa taas na 15 piye mula sa normal na high tide na aabot lamang sa 2 piye. Ang mga imprastraktura na nasa tabing-dagat ay aabutin ng baha kung umabot sa kalupaan ito. Ang larawan naman sa ibaba ay naglalarawan kung paanong ang mata ng bagyo ay nagdudulot ng pagtulak sa water pressure papaloob at papaitaas habang nagpapatong-patong ang tubig na siyang nagpapataas ng lebel ng tubig na nagdudulot ng surge o pag-apaw.
Upang mas malaman ng malalim kung ano nga ba ang storm surge, panoorin ang bidyo at para mas mapagkaiba ito sa bagyo.
Panoorin ang bidyo tungkol sa kalagayan ng Tacloban City noon na nakaranas ng storm surge.
MGA URI NG LIKAS NA KALAMIDAD