Aking mga mag-aaral, binabati ko kayo sa pagpasok ng ating google site para sa mas madaling paggabay sainyong pag-aaral.
LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Naipaliliwanag ang iba't ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa bansa.
Natutukoy ang mga paghahanda na nararapat gawin sa harap ng mga kalamidad.
Ang mga suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari, kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran (Official Gazette, 2000). Isa na rito ang tinatawag na kalamidad.
MGA DAPAT ALALAHANIN <-- Pindutin ito para sa mga dapat alalahanin sa google site na ito.
Sa pangkalahatan, ang ideya ng kalamidad ay tumutukoy sa isang kaganapan na nagiging sanhi ng malaking pinsala sa mga tao o sa kapaligiran , na bumubuo ng isang sapilitang pagbabago ng mga negatibong katangian. Ang ganitong uri ng kaganapan ay maaaring magkaroon ng isang natural na sanhi o sanhi ng mga tao.
MGA LIKAS NA KALAMIDAD
Ako si Binibining Eaudene B. Canlas ang inyong guro.
Kung may mga katanungan, maaari niyo akong kausapin sa mga social media na ito.
https://www.facebook.com/crazyeaudene