Ang landslide ay ang pagguho ng lupa o putik na may malalaking bato. Karaniwan itong nagaganap sa mga bundok o burol. Nagkakaroon ng landslide kapag matitindi at walang tigil ang pag-ulan, may lindol, at kapag pumutok ang bulkan. Mabilis itong mangyari at karaniwan ay walang babala kaya dapat itong paghandaan o pag-ingatan, lalo na sa mga dako na peligroso o prone sa ganitong kalamidad.
Ang mga landslide ay maraming beses ng nangyari sa Pilipinas bilang epekto ng mga bagyo at matagal na pag-ulan. Noong Nobyembre 1991, mahigit limang libong tao ang namatay sa Ormoc, Leyte matapos matabunan ng landslide bunga ng matagal na pag-ulan na dala ng bagyong Uring.
Kabuoang 59 ang nasawi sa landslide nang gumuho ang Cherry Hills Subdivision sa Antipolo, Rizal noong Agosto 1999 bunga ng bagyong si Olga.
Bunga ng ilang araw na pag-ulan, 1,400 ang namatay sa landslide sa Infanta, Real at General Nakar, Quezon noong Nobyembre 2004. Kabuoang 1,126 ang namatay nang gumuho ang isang bundok sa St. Bernard, Guinsaugon, Southern Leyte matapos ang 10 araw na pag-ulan noong Pebrero 2006. Mahigit 400 ang namatay sa landslide sa Cagayan De Oro bunga ng bagyong Sendong noong Disyembre 2011.
Ano ang dapat gawin kapag may landslide? Huwag magpanic at ito ang mga dapat mong tandaan. Panoorin ang bidyo.
MGA LIKAS NA KALAMIDAD