APOLINARIO MABINI | ABRIL 15, 2023 | 3:22PM
APOLINARIO MABINI | ABRIL 15, 2023 | 3:22PM
Isang malaking bahagi ng buhay ang katotohanan. Ipahiwatig kung ano ang tama. Ngunit pano ba ito paiigtingin sa komunidad kung saan ang mga balita ay maraming kopya? Kung saan di mabatid kung alin ang tama?
"Communication is the most important 21st century skill" ayon pa kay assistant regional director Maria Ines C. Asuncion. Ito ay mahalagang parte ng araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan. Dapat itong paigtingin sapagkat ito ay isang malakas na sandata. Paano ba ito mapapalago ?
Isa ang 'journalism' o diyornalismo sa mga paraan upang mapalago ang abilidad ng mga estudyante sa pakikipag-ugnayan. Isang benepisyo ng pagsali rito ay pagpapalago ng critical thinking skills ng mga manlalahok. Sa paraan ring ito mas nadaragdagan ang kaalaman ng mga kabataan kasama na ang pagiging 'Well aware' sa mga nangyayari sa kanilang komunidad. Maiging matutunan at bumunga ang abilidad na ito sa bawat estudyante.
"Kabataan ang pag- asa ng bayan" ayon kay Dr. Jose Rizal. Kagaya ng mga Nobela ng isinulat ni Dr. Jose Rizal, ang tunguhin ng isang manunulat ay ang magpakalap ng katotohanan at magbigay boses tungkol sa isang isyu. Pagbibigay ng impormasyon na mapagkakatiwalaan. Ipaglalaban ang katwiran para sa ikabubuti ng masa.
Importante na siguraduhin na katotohanan ang talagang ipinapahayag. Di masasabi kung ano talaga ang kinabukasan ng mga tao. Pero ang importante ay laging maging matapat sa tungkuling ginagampanan. Laging alalahanin na nariyan ang Diyos!
APOLINARIO MABINI | ABRIL 15, 2023 | 3:22PM
Mabilis ang pag-unlad ng intelihensiyang artipisyal sa mundo. Maraming sektor ang nababalutan ng pag-lago na ito.Sabay sa paglago ng intelehiyang ito lumalaki rin ang ekonomiya ng isang bansa. Ano nga ba ang maaring epekto ng intelihensiyang artipisyal sa larangan ng edukasyon? Ito ba ay makakabuti o makakasama?
Malaki ang naitutulong ng intelihensiyang artipisyal sa araw-araw na aktibidad ng mga tao. Napapadali nito ang mga gawaing mahirap isagawa. Di lamang nito napapadali ang mahihirap na gawain nakakatulong rin ito sa pagpapabilis ng mga ito. Nakakatulong ito sa sektor ng edukasyon lalo na ngayun na ang intelihensiyang artipisyal ay naaabot na ng bawat mamamayan.
Kapwa estudyante at mga sibilyan ay may "access" rito. Sa paghahanap ng mga aralin at panonood nito sa YouTube at sa paghahanap ng mga sagot sa kani-kanilang takdang aralin. Mayroon naring mga gurong nagtuturo sa pamamagitan ng mga social media platforms. Mas madali itong makikita ng mga estudyante sa isang pindot lamang ng 'search button'. Ito na rin ay maituturing na 'convenient', madali nang gamitin naa-access pa nang lahat.
Sa sektor ng agrikultura umaabot na sa 26.7% sa mundo ang gumagamit ng Intelehiyang artipisyal ayon sa forbes, kagaya na ito ng paggawa at pagbuo ng mga imprastrakturang komplikadong gawin. Kagaya lamang sa mga mag-aaral mas napapadali ang paghanap nila ng mga impormasyong kinakailangan sa pagaaral. Di na kinakailangang pumunta sa mga pampublikong aklatan.
Nakakatulong ito sa lahat ng nangangailangan nito. Tulad ng mga guro, at iba pang mga personnel at katauhan na nagtatrabaho sa paaralan imbis na pumunta sa malayong lugar upang magkaroon ng pagpupulong pwede nang gumamit ng mga 'AI sites'.
Malaki ang bigay na tulong ng Intelihesiyang artipisyal. Mayroon man itong di magandang panig ngunit nakadepende na ito sa taong gumagamit nito. Aabusohin ba ang pribilehiyo at kalayaang hawak o ito ba ay gagamitin sa tama at kung karapat-dapat lamang.
APOLINARIO MABINI | ABRIL 15, 2023 | 3:22PM
Di maikakaila ang magandang naidudulot ng "artificial intelligence". Ito ay nagbibigay ng mabilis at maginhawa na paggawa. Ito ay nakakatulong sa mga kasalukuyang proyektong ginaganap. Nababawasan ang balakid sa mga proyekto na di nakakaya ng mga manggagawa. Ano pa kaya ang maaaring makamit ng artificial intelligence sa mga buhay ng mga tao?
Sa pag buhat ng mabibigat na mga kagamitan, tungo sa pag dala ng mga ito sa matataas na palapag. Mayroon nang mga kagamitang artipisyal na pwede gamitin. Isa na rito ang pag gamit ng 3d printing sa pag gawa ng bahay at iba pang mga imprastraktura. Ito ay ginagamit na mga mga bansa tulad ng america, India at Netherlands. Maraming mga artipisyal na teknolohiya ang magagamit ng mga tao lalo na sa kasalukuyan.
"With 3d printing we can actually create structures that are more intricate than any other manufacturing technology—or in fact, are impossible to build in any other way." Tugon pa ni Lisa harouni. Ito lamang ay nag papakita na ang artipisyal na kagamitan ay maaring maging daan para sa bagong maka-rebolusyon na hinaharap.
Di lamang na mapapadali ang pag gawa ng mga manggagawa o 'laborers', ito rin ay magiging 'cost-effective'. Ito rin ay magiging daan para bumaba ang basura na maiipon kapag gumagawa ng imprastraktura. Mas napapataas rin nito ang accuracy ng pag gawa mula sa lapad at taas hanggang sa maliliit at komplikadong disenyo. maari itong maging daan upang di lumala ang polusyon sa isang pamayanan o lugar.
Sa bilis ng pag-unlad ng mga makabagong kagamitan at 'artificial intelligence' maraming benepisyo itong maibibigay. Pag unlad ng ekonomiya ng bansa ay ating kamitin. Tunguhin ito sa magandang hinaharap at para sa kinabukasan.kailanman ay di dapag magamit upang makasira!