JUAN LUNA | ABRIL 15, 2023 | 4:30PM
JUAN LUNA | ABRIL 15, 2023 | 4:30PM
PARUSA. Nahuli ng PNP ang isang krimen pagkatapos itong makitaan ng droga sa kanyang bulsa.
Inilahad ng Philippine National Police (PNP) noong Abril 10, ang krimen sa Pilipinas mula Enero ngayong taon ay patuloy na bumababa ang mga kaso ng walong nakatutok na krimen na kinabibilangan ng mga kaso ng murder, homicide at robbery.
Batay sa datos ng pulisya, sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na ang walong pokus na krimen ay bumaba ng 14.69 porsiyento mula Enero 1 hanggang Abril 8 ngayong taon, kumpara sa parehong panahon noong 2022. Kinabibilangan ito ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery at carnapping ng mga motorsiklo at sasakyan.
Ipinatupad ni Azurin ang mga hakbang upang mapabuti ang police visibility at palakasin ang relasyon ng pulis-komunidad sa buong bansa mula nang maupo siya sa nangungunang posisyon noong Agosto ng nakaraang taon.
Batay sa pinakahuling datos, humigit kumulang 2,000 katao ang inaresto dahil sa pagkakaroon ng mga loose gun habang halos 7,000 ang nasamsam mula Enero nitong taon. Sa kabilang banda, mahigit 17,000 ang mga wanted na naaresto mula Enero nitong taon.
Bahagi ng mga hakbang sa seguridad ang agarang pagtugon sa mga reklamo ng mga tao, presensya ng pulisya hanggang sa mga komunidad at agresibong koordinasyon sa mga lokal na opisyal at stakeholder upang labanan ang mga krimen, partikular na ang illegal na droga sa antas ng barangay.
JUAN LUNA | ABRIL 15, 2023 | 4:30PM
AGARAN. Gumalaw at ipa-register na ang SIM card upang maiwasan ang banta sa deactivitation
Ibinahagi sa datos ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang kabuuang 168, 977, 778 sim card na ibinibenta sa bansa ay umabot sa bilang na 36.79 porsiyento.
Ayon kay Anna Mae Yu Lamentillo, Department of Information and Communications Technology, undersecretary for public affairs and foreign relations, ang kabuuang rehistradong SIM card ay umabot sa 62, 170, 268.
Nangunguna sa pinakamaraming rehistradong SIM card ang Smart Communications na may bilang na 31,110,508. Sumunod naman ang Globe Telecom na may 26,348,304 at ang DITO Telecommunity na may 4,711,456 rehistradong SIM card.
Isinaad ng departamento na ang tatlong malalaking telecommunication na kompanya ay naghahanda na para sa mangyayaring senaryo sa pag-register ng mga SIM card, sa darating na April 26.
Nasa ilalim ng SIM Card Registration Law, na ang kabiguang magparehistro bago ang deadline ay magreresulta sa deactivation, hindi na maaaring magamit ang mga SIM card para sa mga video call, text messaging at mga mobile data services.
Bahagi ng pagsisikap ng gobyerno ang batas na layong mapabuti ang pambansang seguridad at pigilan ang mga mapanlinlang na aktibidad tulad ng mga scam at pagnanakaw ng mga personal na pagkakakilanlan.
Gayunpaman, maaaring pahabain ng gobyerno ang deadline hanggang 120 na araw.
JUAN LUNA | ABRIL 15, 2023 | 4:30PM
KABIT, BISIG. Ibinahagi ni Asuncion ang kahalagahan ng komunikasyon sa oras ng kompetisyon.
Ibinahagi ni Assistant Regional Director Ma. Ines C. Asuncion na ang pinakaimportanteng kasanayan ay ang paglinang ng ating komunikasyon.
Nagkaroon ng modernong panahon at isa ito sa paraan na mas napaigiting at natulungan ang mga mag-aaral na linangin ang kanilang komunikasyon. Kasama na rito ang mga batang mamamahayag, na layong maghatid ng tama at konkretong balita at impormasyon sa mga mamamayan.
Ayon kay Asuncion ang komunikasyon ang paraan upang mahasa ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral.
“Communication helps developing the critical thinking of a student’s.” saad ni Asuncion
Bahagi rin ng komunikasyon ang karapatan para sa kalayaan. Dagdag pa dito, saad niya rin na ito ang isa sa importanteng bagay na dapat gamitin sa oras ng kompetisyon.