JOSE RIZAL | ABRIL 15, 2023 | 3:42 PM
JOSE RIZAL | ABRIL 15, 2023 | 3:42 PM
Pilit man nilang patahimikin. Pilit man nilang patumbahin. Pilit man nilang subukin. Pilit man nilang tapusin. Ngunit, kahit kailan at kahit saan ay ‘di ako mabubulag sa mga walang saysay na salita.
Hindi ko lubos maisip na ang simpleng ‘plumang’ ito ay may kakaibang kapangyarihan. Nagsilbi itong boses ng mga naaapi at nasasandalan ng mga nasasakdal. Ang plumang hawak ko ay may kakayahang magbahagi ng katotohanan laban sa mga kumakalat na kasinungalingan.
“Tama ka na Marites” sigaw ng pluma ko. Itigil mo na ‘yang pagpapakalap ng mga balitang walang saysay at tanging makapanira ng reputasyon lamang ang gusto. 2023 Na! Magbago ka na! Sa isinagawang sarbey ng Pulse Asia ay may mahigit 9 sa 10 Filipino o 86 na pursyento ang sumisigaw ng “Itigil na ang Fake News”. Ngayon, matakot ka sa kapangyarihan ng aking pluma.
Sigaw ang Katotohanan
Patuloy na nagbabago ang mundo, ang mga noong keypad natin ay smartphones na. Malaki ang naging parte ng teknolohiya sa paghahatid ng balita. Subalit, naging daluyan din ito ng mali at pekeng impormasyon. Pumalo sa 67 na pursyento ang naging resulta sa ginawang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies na ‘social media’ ay pinang gagalingan ng ‘fake news’.
Walang kaduda-duda na pati na din ang aming pluma ay upgraded na din! Syempre, hindi kami papatalo. Nariyan ang mga mamamahayag na mapagkakatiwalaan pagdating sa balita. Gaya ng GMA News, ABS-CBN, Inquirer.net, PhilStar at marami pa.
Ika pa ni Florenz C. Tugas, CPA na “Katotohanan ang magpapalaya sa atin” at tanging katotohanan lamang ang aming sigaw.
Laban sa Pagtalo ng Kasinungalingan
Marami ang nagiging biktima ng ‘fake news’ kabilang na dito ang mga matatanda na hindi mo lubos maisip na ang dyaryong kanilang maaasahan ay nabalot na din pala ng kasinungalingan. Isinaad ng Social Weather Station na 51% ng mga Pilipino ang madaling maka-wari ng maling impormasyon.
“Two words, Fact Check!” ang solusyon ni Tugas patungkol sa patuloy na pagkalat ng fake news. Sa paglaban ng kasinungalingan, ay alamin ang mga pinanggalingan at kung mapagkakatiwalaan ba ito. Maari mong I-kumpirma ang nalamang impormasyon sa pamamagitan ng pakikinig sa pinakatiwalang dyorno gaya ng panood sa telebisyon at pagbabasa ng mga aprubadong dyaryo at online sites.
Magmula ngayon ay ang mundo na noong nababalot ng misteryo at ‘di mo alam kung sino ang totoo ay silayan mo ang mga dyornong nakatayo sa harapan mo. Akay ang kanilang mga pluma’t papel ay kailanman hinding hindi ka na magpapatinag, ika’y bunyag at ‘di bulag.
JOSE RIZAL | ABRIL 15, 2023 | 3:42 PM
Umaaray at nagdurugo -- hindi ito bugso ng puso ngunit ang mga balat ng katawan na pilit lumalaban sa bawat pagbatok. Pagkatapos ng mahigit ‘di mabilang bilang na batok ay ang markang sumisigaw na, “Pinoy Ako!”
Mahigit 12 oras na byahe mula sa Maynila hanggang Cordillera ay tiyak na mauuhaw ka at magugutom pa sa pag-akyat sa matatarik na bundok ng Kalinga. Ngunit hinding-hindi ka magsisisi dahil sa pagtuktok mo ay ang nag-aantay na si Apo Maria Whang-Od Oggay, isang tradisyonal at pinakamatandang mambabatok sa edad na 106.
Kamakailan, ibinida siya ng tanyag na cover magazine sa bansa ang ‘Vogue Philippines’ sa kanilang April Issue kung saan nakapanayam nila siya at ibinahagi niya ang istorya sa bawat pambabatok.
Kanyang Kahapon at Ngayon
Sa murang edad na 16 noon ay naturuan na siya ng kanyang ama sa pambabatok, ang kanilang mga disenyo ay tradisyonal na simbolo at walang halo ng teknolohiya. Ngayon, sa edad na 106 ay matibay pa din sya kaya naman sya ang pinakamatandang nabubuhay na mambabatok ngunit tiyak na hindi siya ang panghuli. Ayon sa dating opisyal ng
National Comission on Indigenous People na si Natividad Sugguiyao, “Traditional tattooing is seen as archaic and painful by the younger generations of the tribe” Ngunit, di maikakaila na kahit na sino ay gustong makaranas ng serbisyo niya.
Malaking palaisipan pa din sa madla kung sino ang papalit sa kanya dahil ang pambabatok ay nasasalin lamang sa magkakadugo at hindi siya nagkaroon ng sarilang pamilya. Nakasunod sa linya ang kanyang mga pamangkin na si Grace, “I was the first child to learn how to tattoo. I just observed what she did”.
Si Whang-Od ay iginawad sa Dangal ng Haraya award noong 2018, at patuloy pa rin ang kampanya para itaas siya sa isang National Living Treasure o maging isang National Artist.
Markang Katutubo
Tiyak na sa unang tanaw mo pa lamang ng patpat niya na may matulis na karayom na kinuha pa mula sa isang lokal na taniman ng lemon, ang mga tinta nito ay gawa sa hinalong uling at tubig sa bao ng niyog. Kaya inaasahan lamang na sa bawat patpat ay durugo ang balat mo.
Isang rason ang kanyang disenyo kung bakit mas lalo pa itong natangkilik ng madla. Pinaniniwalaan ng mga Kalinga na ang mga markang iniwan nya sa balat ng kanyang mga parokyano ay madadala nila hanggang kamatayan. Ang mga disenyo ay naaayon lamang sa kanya at ipinapahiwatig ang mga salitang -- Patnubay, Lakas, at Silakbo ng damdamin.
Hindi mo man mawari kung gaano kabigat ang bawat pagpatpat ngunit ang bawat patpat ay representasyon ng isang Pilipinong taas noo at pumapatnubay. Sa bawat patpat na nag-iiwang bakas ng isang tunay na Pilipino.
JOSE RIZAL | ABRIL 15, 2023 | 3:42 PM
Dahil sa umaalab na dala ng init ng panahon ay isang hudyat na ito ng pinakahihintay na ‘summer’. Ready na ba ang mga ‘OOTD’ mo? Pero where to? San ‘ba ang punta mo? Sawa ka na ba sa mga paulit ulit nalang na atraksyon at nais mong mag balik-tanaw sa mga nakakahaling ganda ng likas na yaman?
Tila ba isang palasyo dahil sa pinanghahawakang yaman nito. Matatagpuan sa kabisera ng lalawigan ng South Cotabato at isang 3rd class component city. Kasalukuyang pinamumunuan Eliordo “Bebot” Ogena. Kilala ang siyudad dahil sa mga gusali at shopping malls.
Ngunit sa likod na matatayog at malalaki nitong estraktura ay masusulyapan ang nakatagong ganda na hinulma ng inang kalikasan. Oo, ‘di tayo lalayo! Isang bus ride at trip mo lamang ay all-in-one na! Nariyan na ang mga hotels, resorts, pagkainan at pasyalan. Kaya naman sumama na at maki-liwaliw sa pagdiskubre sa ibinibida ng Koronadal City, ang ‘Crown City of the South’. Tunay ngang Kanami Koronadal, Kanami gid!
Paraisong Kaakit-akit
Syempre unang una sa listahan, ang KCC Mall of Marbel at Ace Center Point. Para naman bago natin ma-achieve ang bongga nating mala-‘pinterest’ na suot ay mag mall-hopping muna. Kung ‘di mo naman trip ito ay gaya ng iba ay mag ‘window shopping’ ka nalang at mag libot sa lugar. Kung sakaling ika’y mainip ay nag-aantay sayo ang mga ‘arcades’. Kapag naman nais mo lamang mag chillax ay pwede kang manood ng sine kasama ang iyong pamilya at barkada. At, kapag umaaray na ang iyong tiyan ay nag-aantay sayo ang di mabilang-bilang na food stalls.
Kapeng matapang sa umaga at beer na bubuhay sa kaluluwa mo sa gabi? Pwede ba ‘yun? Yes na Yes! Uy, pero hindi ito hango sa kantang ‘Magda’ ng paboritong rapper mo na si Gloc-9 at ni Rico Blanco ha. Syempre, safety first pa ‘din sila sa Roadway Café and Bar. Dito ay maraming inaalok, gaya ng mga masasarap at bubusugin ka. ‘Di mo mahigit na aakalain na sa presyong 90-200 ay masusulit na ito ng kanilang Garlic Chicken, Baby Back Ribs, Pasta, Lechon Kawali at Sisig. Sa oras na mauuhaw ka ay may beer na nag aantay sa’yo pati na rin ang mga kapeng abot kaya lamang.
Ibinibidang Yaman
Hindi kumpleto ang city life mo kung palagi ka na lamang magmumokmok sa gilid. Para sa all-out experience ay bumisita sa Lantaw Marbel Resort Hotel. Hindi lamang pagkain kundi resort pa! Dagdag mo na dyan ang nagsisindakang ganda ng siyudad. Tiyak na pangmasa talaga ito dahil masusuyop nito ang bawat hinaing mo, sa presyong 250 na entrance fee ay mababalin sa kalikasan ang iyong atensyon, tiyak na mapapa-’Kanami Koronadal’ ka.
Museum date ba hanap mo kasama ang iyong jowa? Yun bang mala- ‘An art gallery could never be as unique as you’ pero imbes na mga larawan, ay mga metal na paninda mula sa mga katutubong grupo at teknolohikal na artifact mula sa unang bahagi ng 1900s. Bumisita na sa South Cotabato Community Museum at maaliw sa mga kagiliw-giliw na piraso mula sa mga sikat na makasaysayang pigurin. Naku, tignan lang natin kung ‘di kayo mag road-to-forever.
Gusto mo bang pumunta ng dagat ngunit malayo at aksaya lamang sa panahon at oras. Wave pools? Hotel? Pagkain? Nasa Paraiso Verde Resort & Water Park na ata ang hinahanap-hanap mo! Tiyak na ‘summer getaway ito at perfect para sa pamilyang nagtitipid. Bukod sa patok at swak ito sa mga bata ay hindi maikakaila na sa presyong 1080/night ay hindi ka na malulugi sa angking dala nito.
Panghuli sa ating listahan ang pinakakilalang puntahan ng mga turista sa siyudad ng Koronadal City. Ang The Farm at Carpenter Hill ay sikat at natatangi. Marami itong ibinibidang pasyalan sa bawat turista, bukod sa pools at hotels ay nariyan ang Japanese Village, Koi Hut, Palms Residence Hall, Convention Centre, Goathouse, Grand Fiesta Hall at Nursery. Kaya naman kahit pa man may kamahalan ay kapalit naman nito ang ‘di malilimutang karanasan.
‘One People, One Big Dream, One Koronadal’ kung kanilang madalas iwari. At dahil sa patuloy na pagkakaisa ay patuloy silang umuusbong sa mas makabago at pinalaking siyudad. Mga ganda nitong natatangi ay siya namang rason sa mga salitang, ‘Kanami Koronadal’.