‘Ang Lilang Lunduyan’ ay isa sa opisyal na publikasyon onlyan ng Rehiyon Dose. Ang kulay lila at ginto ay naging establisyemento sa likod ng napiling pangalan. Kilala ang lila sa buong rehiyon dahil ito ang naging kilanlan ng 9 na masiglang dibisyon at simbolo nito ang pagiging matapat at napagkakatiwalang paglathala. Sa paghatid ng impormasyon ay mahalagang makuha mo hindi lamang ang tiwala kundi pati na rin ang samu’t saring reaksyon ng mga mambabasa at prayoridad pa din ang kasiyahan at bakas ng pag-asa sa kani-kanilang mga mata gaya ng sinisigaw ng kulay ginto.

Ang pluma ay isang representasyon ng mga mamahayag na maghahatid ng balita. Mapapansin din sa logo ang mga palad na unti-unting nagtatagpo, ito’y biswal na representasyon ng salitang ‘Lundayan’ na sinamahan ng impluwensya ng katutubong nagbigay daan para sa patuloy na pag-usbong ng rehiyon.

Mata ng Katotohanan. Nais gampananan ng aming manunulat ay makapag-hatid ng makabuluhang pagbabalita na siksik sa impormasyon at walang bakas ng kasinungalingan.

Boses ng Sambayanan. Sa pamamagitan ng paglathala ng mga balita sa iba’t ibang panig ng ‘social media’ ay nais nitong maging boses at magsilbing tinig ng bawat isa , ipaglalaban and dapat mailaban.

Walang Pinapanigan. Ang aming serbisyo ay walang kakampi kundi ang katotohanan na dapat nyong mapakikinggan. Walang kaibi-kaibigan, walang pinapanigan.

At sa paghatid ng mga balitang bago at aprubado ng masa, kami ang lundayan nyo. Hatid namin sa inyo ang serbisyong walang kapalit kundi ang purong layunin na makatulong at maging solusyon sa bawat hinaing, ‘Yan ang inyong maaasahan sa tatak ‘Lilang Lunduyan’.