Gabriela Silang | Abril 15, 2023 | 3:42 PM
Gabriela Silang | Abril 15, 2023 | 3:42 PM
Courtesy of OneSports
LAKAS AT BAGSIK. Buong tikas na ipinamalas ni Jade Esquitado ang kanyang naglalagablab na spikes at tumala ng 34pts upang mayagpag sa laban.
Matapos ang isang madagundong na labanan, hindi pinaisa ng gigil na D'Navigators-Iloilo ang Imus-Ivy Tuason Photography, 3-1 (21-25, 25-23, 25-21, 25-22), upang makopo ang Game 1 sa larangan ng 2023 Spikers’ Turf Open Conference na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum, ika-29 ng Marso.
Mainit-init ang naging palitan ng dalawang magkatunggali pagsabak pa lamang sa ikaunang set sa pagpamalas nito ng mga samu’t saring mga stratehiya at naglalagablab na spikes, 10-9 pabor sa Imus.
Pumaibabaw naman ang tambalang Hero Austria at Ronniel Rosales nang tuluyan itong magpasiklab ng mga di-magkamayawng spikes upang mailayo ang bentaha sa apat, 19-15.
Bunga ng nagkukumislap na koordinasyon at liksi, di na nabigyan pa ng pag-asa ang naghahamong D’Navigators upang makahabol, 25-21.
Agad namang sumagot si Jade Esquitado sa pagpakita nito kanyang lakas at liksi pagtapak ng ikalawang set sa mga nakakabilib na cross-cut spike techniques.
Naging sandigan ng D’Navigators ang mala-kidlat ang bilis na back-row set up plays, upang makopo ang ikalawang set, 25-22.
Nagpatuloy ang dominasyon ni Esquitado sa tulong ng mga napaka-swak na sets ni Jerome Cortez upang Buena-manong tumala ng limang konsekutibong puntos sa pagpasok ng ikatlong set, 7-3.
Pilit man iahon ni Rosales ang laban sa kanyang quick set-up plays, di ito naging sapat upang butasin ang mala-batong net defense ng D’Navigators, 25-21.
Naggawa namang magpasikat ni Kim Malabunga nang muling buhayin ang pag-asa ng kanyang grupo sa kanyang nakakalinlang na tip-off drop plays upang bahagyang maungusan ang kalaban, 12-11 pabor sa Imus.
Ngunit hindi pumayag si Esquitado na mabago ang ihip ng hangin, at idinikta ang laban sa isang umaatikabong back-row spike upang isirado ang girian sa Game 1, 25-22.
Tumala ng kabuuang 34-succesful attack points si Esquitado upang mas mapalapit ang kanyang koponan sa naghihintayng tansong medalya.
“Oo talagang pinaglaban namin kasi syempre sabi ko nga sa kanila, magpapabugbog lang ba kami sa Imus? Hindi kami babawi? Yun yung mindset ko eh,” ulat ni John Kenneth Panes, head coach ng ‘D Navigators.
Gabriela Silang | Abril 15, 2023 | 3:42 PM
PAGTUUNAN. Gadget o Isports? Kabataa'y gabayan sa desisyong kinakailangang gawin upang 'd mahulog sa makulimlim na hangarin
Paano ba mahuhubog ang kakayahan ng isang kabataan sa isports kapag ito’y babad na babad o masyado nang lulong sa kani-kanilang mga gadget? Kasabay ng patuloy na pag-usbong ng presensiya ng teknolohiya, gayundin ang mga batang naaapektuhan sa paggamit nito. Palibhasa mayroon nang kinawiwilihang gadget, ‘tila kinakaligtaan na lamang ang importansya na maidudulot ng isports sa kalusugan’t pangangatawan at kadalasa’y ang mga kabataang naaadik dito at di na marunong tumanggap ng pagkatalo dahil hindi nalinlang ang kakayahang sportsmanship.
Ayon sa CNN Health, tinatalang 64% na kabataan ang naglalaan ng apat na oras sa kaharap ang kanilang mga screen, at 29% dito ay umaabot ng humigit kumulang walong oras sa isang buong araw. Ayon sa mga isinigawang sarbey, napagtantong pito mula sa sampung kabataan ang gumugugol ng napakaraming oras sa paggamit ng teknolohiya sa paglilibang at pagwiwili ng kanilang sarili dahil wala raw silang alam ukol sa mga pisikal na isports at nahihiya silang makilahok sa mga larong pampalakasan.
Mas pinipili ng nakararaming kabataan ang teknolohiya dahil nalilibang sila sa mga ito kung sila'y naiinip o walang ginagawa. Ayon pa nga sakanila, marunong sila kung papaano ang takbo ng mga isports na gusto nilang laruin, ngunit mas kumportable silang iaccess ito sa likod ng kani-kanilang mga mobile screens at applications sa pamamagitan ng kanilang mga computer at smartphones. At minsa’y di naman sila sinisita ng kani-kanilang magulang
Ulat ni Salvacion M. Perez, isang guro ng Sto Niño National High School, upang hindi maadik sa gadyet ang kanyang anak ay hinimok niya itong sumali sa larong Lawn Tennis. Bunga ng buong-pusong suporta sa anak, nahubog nito ang kanyang talento’t kakayahan na naging daan upang maging isang atletang rerepresenta sa bayan ng South Cotabato sa darating na SRAA Meet 2023.
Nararapat pahalagahan ng mga magulang ang kahulugan at importansiya ng kalusugan at larong pampalakasan para sa mga kabataan. Hindi sapat ang kahusayan sa kaalaman kung hindi nahuhubog at masiglang naisasapuso ang mga ito. Sa pamamagitan ng asignaturang MAPEH ay maisusulong at mabigyan ng tuon ang pisikal na edukasyon upang mapaunlad ang pisikal na kalusugan. Kaakibat ang suporta ng mga magulang, ay mas mapapabuti nito ang kalagayan at mga desisyon ng isang bata. Sana’y hindi tuluyang mabaon sa limot ang mga pisikal na isports dahil sa paglago ng teknolohiya. Kaya naman paggamit ng gadyet ay limitahan; isports ang dapat pagtuunan!
Gabriela Silang | Abril 15, 2023 | 3:43 PM
HAMPAS. 'Di kinakailangang magaling ka para sabihing ika'y maging kuwalipikadong maglaro
Spikes, blocks, receives; ito ang kalimitang maririnig mo sa larong Volleyball. Tiyak na mapapatagatkak ang ‘yong pawis sa bawat paghataw at paghabol ng bola sa iyong kinaroroonan. Nilalaro ang larong volleyball sa pagitan ng dalawang koponan, kung saan kinakailangang maipatawid sa parisukat na hating parte ng iyong katunggali ang bola upang makapuntos. Ito’y mainam na larong pampamilya’t pangkaibigan, ngunit alam mo ba kung anong pinanggalingan ng larong volleyball at kung papaano ito laruin?
Taong 1896, nilikha ni William G Morgan, isang physical director sa Young Men’s Christian Association (YMCA) ang larong volleyball. Ito’y ginawang alternatibo para sa mga taong hindi nawiwili sa larong basketball sapagkat ito’y mas madaling laruin. Noong unang panahon, hindi gaanong kilala ang larong ito, ngunit kasalukuyan ito na’y isa nang tanyag na larong pampalakasan sa buong panig ng mundo.
Sa paglaro nito, kailangan mo lamang ng bola at net at pwede mo na ihanda ang sarili sa pagkakawili larong ito. Nilalaro ito sa isang parisukat na palaruan na may sukat na 18 meters (59 feet) ang haba at 9 meters (29.5 feet) naman ang lawak nito. Sa isang pormal na laro, kinakailangan ang 12 manlalaro, na may 6 kada koponan. Bawat miyembro ay may iba’t ibang gagampanan na posisyon sa grupo, gaya na lamang ng libero, blocker, at spiker.
Tiyak na ang larong volleyball, ay isang larong pamapalasan na ineenjoy na ng maraming mga tao ngayon. Kung kaya nga’t ipinakilala ito bilang opisyal na sport na napabilang sa Olympics noong 1964 na siyang nirepresenta ng maraming karatig na bansa. Sa Pilipinas naman, ay napakarami nang liga ngayon ang pede mong pasukan sa larangan ng volleyball at isa na rito ang Spikers’ Turf Open Conference, UAAP, Philippine Volleyball League, at NCAA.
Kung ako sayo? Subukan mo na rin ang paglaro nito, sapagkat ito’y isa ring mabisang paraan ng pag eehersisyo. Kahit di man mapa Jade Esquitado o Alyssa Valdez ang paglaro mo, ay mag eenjoy ka pa rin sa bawat paghagupit at pagsusupalpal mo ng bola. Masaya’t nag eenjoy ka na, may mabuting dulot pa sa pisikal na anyo mo. Malay mo, ikaw rin pala ay may tinatagong talent dito, halina’t subukan mabuti na’t sports ang kinawiwilihan.