Akdang Pampanitikan ni: Faith Dhenyll C. Balote
Para sa Paggunita ng ika-162 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Bonifacio
Dali-dali sa aking paglalakad na ako’y tumungo sa simbahan sapagkat rinig ko na ang dupikal ng mga kampana, hudyat na ang komunyon sa misa ng kapistahan ng isang santo ay nalalapit. Hinahabol man ang hininga ay ako’y pumasok nang tahimik. Ang unang bumati sa aking mga mata ay ang mahabang upuan na malapit sa may pintuan. Sa aking pag upo ay dali-dali naman akong lumuhod at nanalangin habang ang pari ay nag-aalay ng dasal sa pagkain at inumin.
Akdang Pampanitikan ni: Ivan C. Combate
Ang lupa ni Mang Kanor, dating hininga ng bukid, ngayo’y pabrika.
Ang nagkunwaring kaibigan, ahas na may bulsa ay naghasik ng lagim.
Isang libong kapalit at tahanang matutuluyan
ipinangakong ningning, gintong kalawang produkto ng proyektong may patong.
Akdang Pampanitikan ni: Ivan C. Combate
Para sa Paggunita ng Buwan ng mga Pesante
Hinabi nang matagal na tunggalian ang pananatili sa lupang tinubuan,
bawat piraso’y sinuklian ng pawis at pagdurusang tila walang hanggan.
Sa ilalim ng araw na saksi sa bigat ng kalyo ng palad,
ang binhi ng buhay iyo’y itinanim sa pagitan ng pag-asa’t alat.