Discoveries & Innovation | 2-minute read
Discoveries & Innovation | 2-minute read
KoneKasan
12 Setyembre, 2025 | Ni Eirish Emerie T. David
Basura mo, pakinabangan natin!
Sa isang bansang tila basura ang monumento ng pagkalimot, kung saan ipinapaalala sa atin ang mga maaaring maging epekto nito sa ating masalimuot na kinabukasan ay patuloy na dumarami at maaaring hindi na mapigilan.
Nakalulungkot isipin ang katotohanan kung kaya’t ang pagbibigay ng panibagong anyo sa mga patapong bagay na ito ay pwedeng pakinabangan na napapanahon.
Sa patuloy na paglobo ng mga basura sa bansa na halos pumalo na sa 23M tons ay nakaaalarma na at hindi na maaaring ipagsawalang-bahala kung kaya’t ang balitang magiging susi ito hindi lamang sa mga lalagyan ng mga bagay-bagay na magagamit pa, maging sa teknolohiya.
Samakatuwid ang eco-nnect ang bagong mukha ng mga Pinoy na kapos sa pinansyal na aspeto ngunit sagana sa mga boteng plastik ay maaaring magkaroon ng libreng Wi-Fi.
Napakaraming kabutihang dulot na maibibigay ang nasabing koneksyon sa Wi-Fi, lalo na sa pag-aaral ng mga bata, maging sa transaksyon sa trabaho at pamilya.
Matatandaan na ang nasabing eco-nnect ay nagmula sa kaisipan ng vendo piso net machine, ayon kay Sangguniang Kabataan (SK) Chair Angela Salumbides ng Quezon na naging patok sa nasabing barangay lalo pa’t mas maraming bote ang magreresulta sa mas matagal na paggamit ng nasabing makina.
Sabi nga nila, may kayamanan sa basura. Huwag sanang maging pansamantala lamang ang mga ganitong adhikain at sana ay suportahan ng ating pamahalaan upang kahit na papaano ay mabawasan ang mga nagsisilbing sakit ng kalikasan at lipunan.
Gayunpaman, umaasa si Frederick Contreras, ang imbentor ng Wi-machine na bote ang bayad, na simula lamang ang kanilang ginawa sa kanilang probinsya sa pagkakaroon din nito sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa makabagong panahong teknolohiya na ang nangingibabaw, isa lamang ang eco-nnect sa makabuluhang aspeto na dapat bigyang-pansin ng ating gobyerno at paglaanan ng sapat na pondo upang ang edukasyon para sa mga Pilipino ay maging abot-kaya at kasabay na nito ay ang pagiging ligtas ng ating kapaligiran.
Isang inobasyon na mag-aahon sa atin sa isang masalimuot na kinabukasan, at ikokonekta tayo sa isang luntiang kalikasan.