HYMN

Sa pagsikat ng araw, aking natatanaw 

Makinang na kinabukasan, aking makakamtan 

Hinding-hindi maninimdim sa banta ng kahirapan 

Ako na inihanda ng mahal kong paaralan.


Koro:

Politeknikong Kolehiyo ng Marikina 

Ang teknikal na edukasyon, kinintal mo t’wina 

Politeknikong Kolehiyo ng Marikina 

Talino ko’y pinapanday, turo mo’y pag-asa.

Sinisintang paaralan, ikaw ang katuwang 

Sa pagkamit ng mithiin, siya mong hahangarin 

Kahit saan man mapadpad ay hindi mababagabag 

Dunong ng iyong bigay ang magsisilbing gabay.


(Ulit koro)

Marikina Polytechnic College, Mabuhay ka!!!