Padilla | Paunon | Postolero | Presentacion | Remigio | Villanueva
Padilla | Paunon | Postolero | Presentacion | Remigio | Villanueva
Ika-10 Baitang | St. Joseph's Academy Las Pinas
Sa blogsite na ito, tatalakayin ng ilang mga kabataan ang kanilang pananaw tungkol sa pagpapatayo ng coal at nuclear power plants at ang epekto ng electromagnetic na radyasyon sa mga tao, hayop, halaman, at kapaligiran. Ito ay bilang aksyon para sa mga hinaharap na sakuna ni inang kalikasan sa mga nagdaang panahon. Bilang mga kabataan na nagnanais ng magandang kinabukasan para sa lahat, aming naisipan na buoin ang blogsite na ito, “Kabataan Para Sa Kalikasan, Kalikasan Para Sa Kinabukasan” o K4K.
Halina’t tunghayan ang aming mga inihandang blog at usapin upang kayo’y maliwanagan sa kung anong mga hakbang ang dapat ninyong gawin upang ating mapangalagaan ang kapaligiran at ang ating sarili.
Sa bidyo na ito ay ipinapaliwanag kung ano ang Electromagnetic Radiation. Panoorin ito upang magkaroon ng adisyunal na kaalaman sa Electromagnetic Radiation.
Ang radyasyon ay nauuri sa dalawa: ang Ionizing at Non-Ionizing na radyasyon. Ang dalawang ito ay may iba't ibang panganib na maaaring maidulot sa ating pangangatawan at sa ating kapaligiran. Ngunit, ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawa?
Ang Ionizing radiation ay mayroong sapat na enerhiya upang makagawa ng mga ion sa materya (matter) at sa antas ng molekular (molecular level). Ang Non-ionizing radiation naman ay tumutukoy sa anumang electromagnetic na radyasyon na hindi nakakapagdadala ng sapat na enerhiya para sa quantum upang makapag-ionize ng mga atom o molekula (molecule).
https://www.aocopm.org/assets/documents/10-31-11_Basic_Course_III_Orlando/ionizing%20an%20non.pdf
Mahalagang alamin ang mga epekto ng electromagnetic na radyasyon sapagkat ito ay kabilang sa ating pang-araw-araw na buhay. Maigi ang pagkakaroon ng kaalaman upang maiwasan ang masasamang epekto nito.
Ngayong natunghayan na kung ano Electromagnetic Radiation, pag-usapan naman natin ang mga benepisyo at desbentahang dala ng mga Nuclear Power Plant at Coal Plant. Ito'y may kaakibat na koneksyon sa Electromagnetic Radiation sa kadahilahanang maipapakita rito ang epekto sa iba't-ibang aspeto ng alalahanin.
Pindutin ang mga litrato upang makita kung ano ang mga benepisyo at disbantahe ng mga sumusunod na uri ng planta.
"Ang ating kalikasan ay repleksyon ng ating kalinisan, kaya hali na't Ito'y ating alagaan"
Image courtesy to Canva