Nuclear Power Plant para sa kinabukasan nga ba?
Audrey Gaile M. Padilla
Audrey Gaile M. Padilla
CLIMATE CHANGE
Ang Climate Change ay isang isyu na matagal na nating ginagawan ng paraan upang malutas ito. Ayon sa United Nations, ito ang Climate Change ay tumutukoy sa mga pangmatagalang pagbabago sa mga temperatura at pattern ng panahon. Ang mga pagbabagong ito ay maaaring natural, ngunit mula noong 1800s, ang mga aktibidad ng tao ang naging pangunahing dahilan ng pagbabago ng klima, ito’y dahil sa pagkasunog ng mga fossil fuel (tulad ng karbon, langis at gas), na nagbubuga ng greenhouse gasses.
Marami nang ginawang paraan para matugunan ito. Mula sa mga pagbabago ng simpleng kilos na ginagawa natin sa araw-araw at sa malakihang pag-adjust na kinakailangan ng kooperasyon ng sangkatauhan.
Ang Coal Plant
Isa sa mga dahilan kung bakit tayo nahihirapang mag-transisyon sa Nuclear Power Plants ay dahil sa paggamit natin sa mga fossil fuels. Isa na dito ang coal o karbon. Ginagamit natin ito dahil tulad nang nabanggit sa mga Pros ng Coal plant
ay meron itong reliability, abundancy, at mas ligtas ito kumpara sa Nuclear Power Plant. Ngunit, mayroon din itong dalang desbentehang sa atin.
Ang Nuclear Power Plant
Ang Nuclear Power Plant naman ay gumagamit ng proseso ng nuclear fission upang makagenerate ng enerhiya. Ang pinagkaiba nito sa Coal Plants ay hindi ito nagbubuga ng greenhouse gasses ngunit may panganib pa rin ang radioactive waste at ang peligro ng mga nuclear accidents.
Nuclear Power Plant para sa pagbabago
Kapag pinag-uusapan ang Nuclear Power Plants, nahahati ang mga opinyon sa kung kampi o laban sila sa paggamit at pagtayo ng mga ito. Isang impluwensiya rito ay ang kasaysayan natin sa mga Nuclear Accidents tulad sa nangyari sa Chernobyl noong Abril 26, 1986, ang Fukushima Daiichi Nuclear Disaster. Mayroon din tayong Nuclear Power Plant sa Pilipinas na nasa Bataan. Maganda ang hatid nitong mga struktura nito sa atin ngunit mahirap mag-transisyon mula sa mga fossil fuel (coal, gas, oil) sapagkat ito ang karamihang ginagamit natin para sa enerhiya. At isa pa, mahal ang pagpapagawa ng mga Nuclear Power Plants. Para sa akin, hinahangad ko ang kabutihan ng ating planeta. Kinakailangan ng malaking imbestment para sa pagpapatayo ng mga strukturang ito ngunit sulit naman ito sa katagalan nating paggamit.
"Para sa kalikasan, isaalang-alang natin ang kinabukasan"