SA TAO, HAYOP, HALAMAN, AT KAPALIGIRAN
SA TAO, HAYOP, HALAMAN, AT KAPALIGIRAN
Ang mga sumusunod ay listahan ng mga epekto ng EM Radiation ayon sa uri ng mga ito.
Inilista ni Louise Postolero
Ang Alpha Radiation ay maaaring magdulot ng panganib kapag ito ay nasa loob ng katawan dahil sinisira nito ang mga sensitibong nabubuhay na tisyu ng katawan.
Maaaring tumagos sa balat ang Beta Radiation ng ilang sentimetro at maging dahilan ng pagkakaroon ng sugat sa balat.
Bagaman ginagamit sa pagpapagaling ng mga sakit, ang Gamma rays ay kayang wasakin ang mga nabubuhay na selula sa ating katawan at magdulot ng gene mutation at kanser, tulad ng Lukemia at Thyroid cancer.
Ang X-ray naman ay maaaring magdulot ng radiation burn, sirain ang mga nabubuhay na selula ng katawan, at magdulot ng gene mutation na maaaring mauwi sa kanser.
Ang Neutron Radiation ay maaaring magdulot ng biological damage, sumira sa mga soft tissue tulad ng cornea, at baguhin ang punsyon ng mga selula sa katawan o tigilan ang pagrereplika ng mga ito.
Inilista ni Dennise Presentacion
Ang UV rays ay maaaring makapagdulot ng sunburn, kanser sa balat at katarata dahil sa labis na pagtatambad dito.
Ang masyadong pagkakalantad sa Visible light ay maaring magdulot ng pinsala sa ating balat at mga mata.
Ang sobrang dami ng Infrared Lights ay maaaring makasira ng ating mga mata at maaari din itong makapagdulot ng pagkabulag.
Kapag ang infrared mula sa araw ay nakulong sa atmospera, maaari itong makagawa ng mga greenhouse gas na nagpapalala ng init sa kapaligiran at ito ay maaaring maging sanhi ng pagbabago ng klima.
Ang mga laser ay maaaring makasunog at makapinsala sa katawan at mata. Maaari din itong humantong sa pagkabulag.
Ang sobrang pagkakalantad sa mga Microwave ay maaaring magdulot ng mga katarata at pagkasunog ng balat.
Ang mga Radio wave ay maaaring magpainit ng mga nakalantad na bahagi ng katawan.
Inilista ni Juliana Villanueva at Louise Postolero
Iniulat ni Burchard et al40 na ang pagpapastol ng mga baka malapit sa mga telebisyon, cell phone at mga FM tower ay nagdudulot ng problema sa kalusugan ng mga baka tulad ng pagkasira sa kanilang mga embryo, pagkakaroon ng depormidad sa kanilang mga supling, at mga problema sa pag-uugali. Samantala, ang pagpapastol ng mga baka malayo sa mga tore ay nagpapabuti ng kanyang kalusugan.
Ang UV-B, isang sub-band ng UV (Ultra Violet) rays, ay nakakapag dulot ng kanser sa mga hayop na maihahambing sa mga nakitang epekto nito sa tao.
Maaaring magdulot ang radyasyon ng maraming pagbabago sa timbang at paglaki ng mga halaman, antas ng kapal ng tangkay, atbp.
Ang mga halaman at hayop na naparoroon sa loob ng mga apektadong lugar sa tuwing mayroong pagkalat ng mga mapanganib na radyasyon, partikular ang gamma radiation, ay sinisipsip ang mga kumakalat na radioactive particles. Ang radioactive particles ay gumagalaw sa ating kapaligiran sa pamamagitan ng bioaccumulation.
Ang polusyon na dulot ng radyasyon ay kumakalat din sa mga daluyan ng tubig at ito ay nakakaapekto sa mga isda at ibang mga hayop at organismo sa tubig.
Ito ay mga litrato noong mangyari ang insidente sa Chernobyl, Ukraine noong Abril 26, 1986. Mapapansin ang kasuotan ng mga manggagawa ay mga PPE or Personal Protective Equipment. Ito ay dahil sa kumakalat na radyasyon sa paligid dahil sa pagsabog ng kanilang Nuclear Powerplant. Ang insidente na ito ang nagdulot ng takot sa maraming tao at naging hadlang sa pagpapatayo o paggamit ng mga Nuclear Powerplant, kabilang ang Pilipinas. Dahil sa insidente na ito, naging abandonado ang planta at ang ilang bayan sa loob Chernobyl. Hanggang sa kasalukuyan, mataas pa rin ang lebel ng radyasyon sa lungsod.
-Sinaliksik ni Louise Postolero
Panoorin ang mga sumusunod na bidyo para sa karagdagang kaalaman!