PINOY HENYO; LAGANAP NA URANIUM MINING!
OO, HINDI PUWEDE!
PINOY HENYO; LAGANAP NA URANIUM MINING!
OO, HINDI PUWEDE!
Ang Uranium ay ang pinakadahilan kung bakit natakbo ang mga Nuclear Powerplant. Ang uranium ay isang klase ng non-renewable energy na mahahanap sa mga bato. Ito ang madalas na nagagamit dahil sa madaling paghiwa-hiwalayin ang atoms nito na nagiging fuel ng mga nuclear power plant.
Dahil sa patuloy na paglaki ng industriya ng mga nuclear powerplants, mas maraming nangangailangan ng uranium para sa fuel ng nuclear power plants. Malaki ang benepisyo ng nuclear powerplants ngunit mayroon din itong masamang mga epekto paggawa ng mga ito sa ating kalikasan. Mas mabuti nang mag isip ng bagong paraan para sa kinabukasan.
Ano nga ba proseso sa pagmimina ng Uranium?
Ang pinakamabisang proseso ng pagmimina ng uranium ay ang open pit mining process. Ito ay kung saan hinihiwalay ang top soil sa bato upang lumabas ang uranium ore na kung saan nanggagaling ang uranium. Kung ito naman ay manggagaling sa ilalim ng lupa, kailangan dumaan ng mga minero sa underground mines upang ito ay mamina.
Ano ang epekto ng Open pit mining at underground mining?
Ang open pit mining at underground ming ay parehong ay nagiging delikado sa kalikasan sapagkat ito ang nagiging dahilan ng SOIL EROSION. Ang soil erosion ay ang pagkasira ng lupa na nagiging dahilan ng pagkawala ng buhay ng lupa. Nang dahil dito, hindi na ito fertile o wala na itong kakayahang magsuporta ng kahit anong halaman. Ito rin ay nagiging dahilan ng sedimentation kaya hindi na ito maaaring maging habitat ng mga isda. Ito rin ay nagiging dahilan ng biodiversity decrease o ang pag-decline o pagkawala ng biological diversity.