Si Shaun Angelli J. Cheng ay isinilang sa unang araw ng Disyembre ng taong 2007 at naninirahan sa Bonifacio St, Mayon Ave, Brgy. Tinago, Naga City, Camarines Sur. Siya ay labing pitong taong gulang at ang panganay na anak sa pamilya. Siya ay nagtapos ng elementarya at junior high school sa Saint Joseph School. Ipinapatuloy niya ang kanying edukasyon sa Ateneo de Naga University sa ilalim ng 2D Animation and Visual Effects (AVFX) strand. Siya ay naging director sa isang proyekto para sa eskwuelahan kung saan ang kanyang groupo ay nanalo ng anim na award at siya din ay nanalo as best director. Siya ngayon ang class president ng AN2B para sa sy 2024-2025. Mahilig siya maglaro ng mga video games at magguhit. Nais niyang maging isang taong nagpapasaya ng iba gamit ng kanyang mga proyekto.
Si Benito Julio Q. Dasmarinas ay isang labing pitong taong gulang, ikalabingdalawang baitang estudyanteng senior high school ng Pamantasang Ateneo de Naga. Siya ay isang resident ng Brgy. Sta. Elena, Buhi, Camarines Sur. Nag-aral siya ng junior high school sa St bridget school, buhi, Camarines sur. Ipinagpapatuloy niya ang kanyang edukasyon bilang isang animator sa 2D Animation at Visual Effects strand ng Pamantasang Ateneo de Naga. Naniniwala siya na kahit sino ay maaaring maging artista basta't nagsisikap. Mahilig siyang maglaro ng mga video game at gitara at bahagi siya ng isang musical band na tinatawag Sesbian Lex.
Si Marie Jamillah L. Hernandez ay isinilang noong Hunyo 12, taong 2006 sa bayan ng Daet, Camarines Norte. Isa siyang labing-walong taong gulang na mag-aaral at kasalukuyang nasa ika-labing dalawang baitang mula sa Pamantasang Ateneo de Naga bilang estudyante sa ilalim ng 2D-Animation and Visual Effects strand. Nakapagtapos siya ng junior high school at elementarya sa La Consolacion College of Daet, at nakatanggap ng karangalan bilang isang consistent honor student. Naging hilig niya ang paggawa ng mga likhang sining tulad ng pagpipinta, pagguhit, pagkuha ng mga retrato, at iba pa. Dahil sa kaniyang determinasyon, kasipagan, at talento, nais niyang tuparin ang kaniyang pangarap na maging isang successful na Interior Designer balang araw.
Si Maria Isabel T. Lim ay ipinanganak noong Setyembre 13, 2006, kasalukuyang nakatira sa Pacol, Naga City. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Ateneo de Naga University Senior High School sa ilalim ng AD-2D Animation and Visual Effects (AVFX) strand. Noong ika-labing isang baiting, siya ay isang direktor para sa isang maikling pelikula na pinalangang "Kintsugi" at nanalo ng dalawang parangal para sa pinakamahusay na musika at pag-edit. Siya rin ay bahagi ng opisiyal ng klase bilang auditor, at bahagi rin ng isang organisasyon na ang tawag "LIKHA", bilang sekretarya. Nakapagtapos siya ng junior high school pati na rin elementarya sa Ateneo de Naga University na may pangalawang karangalan. Nanalo rin siya sa PISTAYM 2019 para sa isang digital illustration competition.
Si Chris Dwayne M. Naldoza, ay isinilang noong Disyembre 18, 2006, siya ay labing-pitong taong gulang at isang AVFX na estudyante sa Ateneo de Naga University Senior High School. Nakatira siya sa San Vicente, Canaman, Camarines Sur. Nagtapos ng elementarya sa Naga Central School 1 at nagtapos ng junior high school sa Ateneo de Naga University Junior High School. Siya ay isang manlilikha na may karanasan sa mga digital art commission para sa iba't ibang layunin, sumasali rin sa mga sining paligsahan at gumagawa ng mga iba't-ibang likhang sining.
Si Kenneth A. Ramboyon ay ipinanganak noong Enero 12, 2007 at naninirahan sa Lourdes Village, San Jose, Pili, Camarines Sur. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Ateneo de Naga University Senior High School sa ilalim ng strand na 2D Animation and Visual Effects.
Nakapagtapos siya ng junior high school sa Computer Science High School of Bicolandia at pinarangalan ng With High Honors at nakapagkamit ng Outstanding Performance in Araling Panlipunan. Nakapagtapos siya ng elementarya sa School of the Future at pinarangalan ng Best in Arts, Best in English at With High Honors. Dahil sa kanyang hilig sa paggawa ng sining, siya ay lumahok sa mga patimpalak ng poster making, module art, pagpinta, at editorial cartooning. Pangarap niya na maging isang game illustrator dahil maipagsasama niya ang kanyang hitig sa pagguhit at online games.
Si Jaime Chikko A. Sesgundo ay labing-walo taong gulang ngayong Disyembre 12, 2024. Pinanganak siya sa Naga ngunit lumaki sa San Miguel, Bato, sa Rinconada. Ang unang iskuwelang pinag-aralan niya ay galing sa Iriga na ang tawag ay Holy Child Educational Center Incorporated o pag sa maikli; HCECI. Ang pangalawa, at huling pinag-iiskuwelahan niya hanggang ngayon ay sa Ateneo De Naga University, na dito siya nag-umpisang mag pokus at gumaling sa sports katulad ng table tennis at football. Nais niyang ipatuloy ang kanyang pag-aaral upang maabot niya ang kanyang mga pangarap at ma-ipatuloy at palakihin ko ang negosyo ng pamilya niya.
Talaan Ng Nilalaman