Ang pamagat na Manamiss-na-miss ay iniugnay at kinunan ng mga manunulat sa kanta ng NewJeans na Bubblegum at How Sweet, kung saan ipinapahayag ang kahalagahan ng pagbangon at pagiging optimistiko sa kabila ng mga hindi kaaya-aya na mga karanasan. Mula sa mga pangyayari ng nakaraan, tulad ng mga dumaan na mga bagyo, at pagbabawas ng mga paksang aralin dahil sa kakulangan sa oras, inalala ng mga manunulat ang kanilang buong paglalakbay sa iba’t ibang mga paksa at mga gawain sa APPL114 kung saan sila ay umunlad bilang mga mag-aaral. Ang mga nasabing kanta din ay ipinapahayag na pahalagahan ang pagtangkilik sa panahon ng pagkabata at sa hindi pagsasamantala sa mga pangyayari sa kasalukuyan. Galing dito naisasalamin ng mga manunulat ang halaga ng kanilang mga napulot na kaalaman sapagkat magagamit ang mga ito sa kanilang propesiyon sa hinaharap.
Nakapaloob sa EPortfolio na ito ang mga awtput na ginawa ng mga manunulat sa loob ng unang semestre sa asignaturang APPL114. Makikita rito ang pagsisikap ng mga manunulat at kanilang paglago bilang mga manunulat na maoobserbahan sa kanilang mga mga isinulat na awtput, mga takdang aralin, at pagsusulit . Narito rin ang mga naitala nilang kaalaman sa kanilang filler mula sa bawat sesyon na demonstrasyon ng kanilang pagtitiyaga at kagustuhan na matuto. Tunay na pinapahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutunan mula sa asignaturang ito dahil ito ay nagbibigay gabay at liwanag sa kanilang lalakbayin na hinaharap hindi lamang sa kolehiyo kundi pati na rin sa napili nilang larang sa hinaharap.
Lubos na nagpapasalamat ang mga manunulat ki Gg. Noli P. Babiera dahil sa kanyang maiging paggabay sa mga mag-aaral at pagbibigay suporta sa paggawa ng EPortfolio na ito. Naging matagumpay din ang EPortfolio na ito dahil sa pagbibigay oras at pagsisikap ng miyembro ng grupo ng mga manunulat na layon na ibahagi ang kanilang karanasan at mga natutunan sa APPL114.