Ang matagumpay na pagbubuo ng EPortfolio na ito ay hindi magiging posible kung wala ang tulong at suporta ng mga tao at institusyong naging bahagi ng aming paglalakbay. Lubos ang aming pasasalamat kay G. Noli P. Babiera sa kanyang walang sawang paggabay, paglalaan ng oras, at pagbibigay ng inspirasyon upang mas mapabuti ang aming mga gawain sa asignaturang APPL114. Ang kanyang mga payo at turo ay nagbigay sa amin ng malinaw na direksyon at pag-asa sa kabila ng mga hamon na aming hinarap.
Ipinapaabot din namin ang aming pasasalamat sa aming mga pamilya na nagsilbing haligi ng suporta sa mga panahong kami ay nahirapan, at sa aming mga kaklase at kaibigan na patuloy na nakipag tulungan at nagbigay ng lakas ng loob upang matapos ang proyektong ito.
Ang EPortfolio na ito ay alay namin sa lahat ng naging bahagi ng aming unang semestre, na naging patunay ng aming paglago hindi lamang bilang mga mag-aaral, kundi bilang mga indibidwal na may pangarap. Ang lahat ng aming pagsisikap at tagumpay ay bunga ng pagkakaisa, determinasyon, at inspirasyong nakuha mula sa aming mga karanasan. Maraming salamat sa lahat ng nagbigay ng kanilang tiwala at suporta.